Video ng pag-uwi ni Lolo Narding sa bahay matapos ikulong ng 1 week, nag-viral
- Si Lolo Narding Floro ay nakauwi na sa wakas sa kaniyang bahay matapos siyang ma-detain ng isang linggo sa PNP Asingan station
- Sa live video report ng News5, mapapanood ang eksena ng paguwi ni Lolo Nardo
- Nagkwento rin siya ukol sa puno ng mangga na pinagmulan ng gulo niya sa kanyang kapitbahay
- Gumulantang sa publiko ang mga larawan ni Lolo Narding na inaresto dahil sa pagkuha ng mga mangga na siya naman 'di umano ang nagtanim
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Nakauwi na si Lolo Narding Floro sa kaniyang bahay matapos siyang ma-detain ng isang linggo sa PNP Asingan station, ayon sa report ni Marianne Enriquez para sa News5.
Mapapanood sa live video report ng News5 ang eksena ng paguwi ni Lolo Nardo at ang pagkwento niya ukol sa puno ng mangga na pinagmulan ng gulo niya sa kanyang kapitbahay.
Nakalaya rin si Lolo Narding matapos siyang tulungan ng Public Attorney's Office na ayusin ang mga kailangan dokumento.
Sa comments section ng video ng News5, maraming netizens ang natuwa at nakauwi na sa bahay si Lolo Narding. Nais din nilang mabigyan ng tulong pinansyal ang 84-anyos na lalake.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Narito ang kanilang mga komento:
"Big thanks to attorney na tumolong kay Lolo. God bless you attorney!"
"Atleast ung good karma napunta kay lolo . goodluck sa nagpakulong. Bahala na karma sa inyo"
"Ang sarap sa pakiramdam naka ngiti na po kayo tatay dahil sayo na miss ko po ang papa ko ingat po kayo palagi tatay God bless you po."
Gumulantang sa publiko ang mga larawan ni Lolo Narding na inaresto dahil lamang sa pagkuha ng mga mangga na siya naman 'di umano ang nagtanim.
Maraming naawa kay Lolo Narding lalo na’t 84 years old na siya at isang linggo pa siyang nakulong.
Nabanggit niyang nais na sana niyang bayaran ang mga nakuha para na lamang makipagkasundo sa nagsasabing 'may-ari' nito ngunit anim na libong piso raw ang hinihingi ng mga ito.
Samantala, parami nang parami ang mga taong nais na magpaabot ng tulong kay Lolo Narding. Ilan sa mga ito ay sina Ryza Cenon, Xian Gaza at ang negosyante at vlogger na kilala sa pagtulong na si Shiwen Lim ng Sabrinacio Clothing and Footwear.
Source: KAMI.com.gh