Ina ng magkapatid na Maguad, may update sa isa pang suspek: "The other is a sacristan"

Ina ng magkapatid na Maguad, may update sa isa pang suspek: "The other is a sacristan"

- Nagbigay ng update ang ina ng magkapatid na Maguad kaugnay sa kanilang kaso

- Maliban kay alyas School Girl, sinasabing isa umanong sakristan ang suspek sa brutal na pamamaslang sa kanilang mga anak

- Hindi maiwasang maglabas ng saloobin ng ina ng magkapatid na Maguad kaugnay sa kalagayan ng adopted School Girl na nasa kustodiya ng DSWD

- Hustisya ang sigaw ng kanilang pamilya at minsan na niyang nasabing huwag balewalain at maliitin ang kayang gawin ng kabataang may edad na 18 pababa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nabigay ng update kaugnay sa kaso ng magkapatid na Maguad ang kanilang ina na si Lovella Maguad.

Nalaman ng KAMI na isa umanong sakristan ang isa pang suspek sa karumaldumal na pamamaslang sa magkapatid noong Disyembre 10 sa kanila mismong sariling tahanan.

Ina ng magkapatid na Maguad, may update sa isa pang suspek: "The other is a sacristan"
Ang magkapatid na Maguad
Source: Facebook

Base sa social media post ni Lovella, inaasahan nila anumang araw mula noong Lunes Enero 3 ang judicial affidavits kung saan mailalarawan kung paano kinitil ang buhay ng kanyang mga anak.

Read also

Atty. Larry Gadon, pinatawan ng Korte Suprema ng preventive suspension

"One suspect has been in and out from the DSWD, received psycho social interventions and taken care of by them in more or less 8 years while the other is a sacristan who has been serving the church" pahayag ni Gng. Maguad.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi rin nito naiwasang maglabas ng kanyang saloobin kaugnay sa kalagayan ni alyas school girl na siyang pangunahing suspek sa krimen.

"This is the ugliest incident happened during the celebration of the Universal Declaration of Human Rights Anniversary," pagtatapos niya sa kanyang post na humihiling ng hustisya para sa kanyang dalawang supling.

Narito ang kabuuan ng post:

Disyembre 10 nang matagpuan ng kanilang ama ang magkapatid na Maguad na wala nang buhay sa kanila mismong tahanan.

Sinasabing ang adopted school girl nila ang tanging nakaligtas na nakapagtago umano sa loob ng kwarto nito.

Read also

Direk Joey Reyes, nagbahagi ng open letter para kay "Poblacion girl"

Kalaunan, inamin ng adopted school girl na isa siya sa responsable sa pagpaslang sa magkapatid at patuloy na pinaghahanap ang kasabwat nito.

Matatandaang una nang nanawagan si Gng. Maguad na huwag maliitin ang kakayahan ng mga may edad na 18 pababa na nakagawa umano ng krimen sa kapwa nito kabataan.

Hiling ng marami ang hustisya para sa magkapatid na Maguad tulad na lamang ng brutal na pamamaslang sa mag-inang Gregorio at maging ang hindi pa umano nareresolbang kaso ng lady driver na si Jang Lucero.

Ipinapaalala lamang ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica