May-ari ng milyon-milyong barya na nakita sa isang bahay sa QC nagpaliwanag
- Tulyan nang hinatak ang ilan sa mga luxury cars na nakita sa isang bahay sa Barangay Laging Handa, QC
- Ito ay matapos umanong hindi magpaliwanag ng may-ari kaugnay sa mga pagiging lehitimong mga dokumento kaugnay sa mga kptse
- Hindi din umano nagka tugma-tugma ang regitration ng ilan sa mga kotseng ito
- Ayon naman sa abogado ng may-ari, maipapaliwanag nila ito at gayundin ang mga bulto-bultong barya sa bahay
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Nilinaw ng abogado ng may-ari ng bulto-bultong barya sa loob ng isang bahay sa Barangay Laging Handa, QC na legal ang kanilang operasyon. Legal umano ito at may lisensiya sila bilang operator ng STL at alam umano ng PCSO na nandoon sa bahay na iyon ang mga pera.
Paliwanag pa ng abogado, nagkaroon ng problema ang mga operators ng STL nang magkaroon ng pandemya dahil umano sa pandemya. Kahit sa ibang bahagi umano ng bansa ay nagkaroon ng problema ang mga STL operators dahil hindi umano ma-circulate ng mga bangko ang mga barya.
Magkakaroon ng hearing para sa mga luxury cars at kapag hindi maipaliwanag ang legalidad ng mga ito ay posibleng sirain ang mga luxury cars ayon sa BOC.
Matatandaang ayon naman sa barangay, ang huling na ni-request mula sa bahay na iyon ay ang pagpapasemento. Gayunpaman, wala umanong ideya ang barangay kung paano naipon ang ganoon karaming barya sa nasabing bahay.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa kasalukuyang panahon na lahat ng pangyayari ay maaring ibahagi sa social media, naging mas madali para sa netizens ang makakuha ng mga impormasyon at bagong kaalaman. Kaya naman mas mabilis kumalat ang balita.
Isa sa nag-viral na kwento kamakailan ay ang tungkol sa magkasintahang nabiktima ng pang-iiscam ng isang wedding coordinator.
Walang nagawa ang bride kundi ang maiyak na lamang nang datnan ang reception na walang pagkain at walang reservation.
Matapos kumalat ang balita tungkol sa sinapit ng mag-asawa, nakarating ito sa aktres na si Neri Miranda at sinagot niya na ang reception.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Source: KAMI.com.gh