Queen D, napasugod sa Bahay ni Kuya dahil umano kay Ashley Ortega
- Napasugod ang content creator na si Queen Dura sa Bahay ni Kuya
- Ito ay matapos na ma-evict ang Kapuso na si Ashkey Ortega
- Kasama ni Ashley, evicted din ang kanyang ka-duo na si AC Bonifacio
- Makasaysayan ang edition na ito ng PBB dahil sa kauna-unahang pagkakataon, nagsama ang Kapuso at Kapamilya celebrities
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Napasugod ang TikTok content creator na si Queen Dura sa Pinoy Big Brother house noong Marso 29.

Source: TikTok
Ito ay matapos na ma-evict ang Kapuso actress na si Ashley Ortega kasama ng kanyang ka-duo na si AC Bonifacio.
Sa kanyang TikTok video, makikitang bumaba talaga ng kanyang sasakyan si Queen Dura at sumugod sa bahay ni Kuya.
"Ibalik niyo si Ashley, hindi niya deserve na palabasin siya," ani Queen D habang papalapit sa gate ng PBB house.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"Kuya! Ibalik niyo si Ashley. Hindi niya deserve. Kailangan niyang bumalik sa bahay ni Kuya..." ang patuloy na isinisigaw ni Queen D.
Sina Ashley at ka-duo niyang AC ang kauna-unahang mga evictees sa PBB celebrity collab edition ng PBB ngayong taon.
Sa parehong araw din lumabas ang ikalawang celebrity housemate ni Kuya na si Gabbi Garcia. Sa kanyang paglabas, magpapatuloy si Gabbi sa pagiging host ng nasabing programa.
Samantala, naglabas na ng pahayag si Ashley Ortega na labis na nagpapasalamat sa lahat ng mga sumuporta sa kanya sa loob ng bahay ni Kuya. Aniya, susubukan niyang sagutin ang mga mensaheng ipinadadala sa kanya ng mga supporters habang prinoproseso pa niya ang mga naganap sa loob ng PBB house.
Isa na nga rito ang mensaheng kanyang natanggap mula sa kanyang ina na tatlong taon na umano niyang hindi nakakausap.
Samantala, narito ang kabuuan ng video ni Quuen D mula sa kanyang TikTok na @queendura07:
Masasabing makasaysayan ang Pinoy Big Brother Celebrity collab edition ngayong taon dahil ito ang kauna-unahag pagkakataon na nagkasama ang mga Kapamilya at Kapuso stars sa tanyag na bahay ni Kuya.
Maging ang mga host na sina Bianca Gonzalez, Melai Francisco, Kim Chiu, Enchong Dee, Robi Domingo ay nadagdagan ng Kapuso hosts na sina Gabbi Garcia at Mavy Legazpi.
Samantala, sa umpisa pa lang ng nasabing edisyon nagawa na ng isa sa mga celebrity housemates na si Ashley Ortega na magbahagi ng kanyang kwento sa guest housemate na si Ivana Alawi.
Inamin ni Ashley na nasa tatlong taon na silang hindi nag-uusap ng kanyang ina. Masasabi niyang mag-isa lamang siya sa mga panahong iyon subalit umaasa rin na magkakausap sila ng ina. Aniya, baka ang PBB pa umano ang maging daan ng inaasam niyang pag-uusap nila. Halos hindi makapaniwala si Ivana na tatlong taon nang walang komunikasyon si Ashley sa ina lalo na at kilala si Ivana na malapit sa pamilya lalo na sa kanyang "Mama Alawi".
Aniya, baka magkaroon umano siya ng anxiety kung hindi makausap ang ina na lagi niyang isinasapubliko ang pagmamahal at pagmamalasakit para rito.

Read also
David Chua, nagka-closure sa ama: "Sana pinuntahan ko siya kaysa nakausap ko siya na nang bangkay”
Nito lamang Marso 15 ay tuluyan nang lumabas ng bahay ni Kuya si Ivana na ginulat ang mga housemates nang sabihing isa lamang umano siyang house guest. Gayunpaman, napagtagumpayan nila ang niatang sa kanilang task dahilan upang makatulong sa napili nilang charity.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh