ABS-CBN sa umano'y suspension ng It's Showtime: "We will submit a motion for reconsideration"

ABS-CBN sa umano'y suspension ng It's Showtime: "We will submit a motion for reconsideration"

- Naglabas na ng pahayag ang ABS-CBN patungkol sa naging desisyon ng MTRCB sa 'It's Showtime'

- Ito ay kaugnay sa natanggap umanong 'multiple complaints' sa nasabing programa

- Sa pahayag na inilabas ng MTRCB, sinasabing nabigyan umano ng ilang warnings ang programa kaugnay sa naturang reklamo

- At ang pinakabago nga ay ang icing incident nina Vice Ganda at Ion Perez na nangyari kasama ang mga batang bahagi ng kanilang programa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Agad na naglabas ng pahayag ang ABS-CBN kaugnay sa desisyon ng Movie and Television Review and Classification Board sa umano'y reklamo laban sa It's Showtime.

ABS-CBN sa umano'y suspension ng It's Showtime: "We will submit a motion for reconsideration"
Ilang It's Showtime hosts at Vice Ganda (It's Showtime)
Source: Facebook

Napapaloob sa naturang desisyon ang pagsuspende sa nasabing noontime show sa loob ng 12 mga araw.

Samantala, sa naging pahayag ng ABS-CBN, sinabing magsusumite umano sila ng motion for reconsideration.

Read also

It's Showtime, pinatawan ng 12 araw na suspension ng MTRCB

"We will submit a motion for reconsideration as we humbly maintain that there was no violation of pertinent law."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"We are also committed to working with the MTRCB to ensure that It's Showtime can continue to bring joy and entertainment to our noontime viewers"

Napapaloob din ang pasasalamat nila sa 'madlang pipol', dahil sa patuloy na pagtangkilik at pagsuporta sa kanilang programa.

"We are truly grateful to the madlang people for their unwavering love and support for It's Showtime."

Narito ang kabuuan ng naturang pahayag na ibinahagi rin sa It's Showtime Facebook:

Si Vice Ganda ay isang TV host at komedyante na tinagurian ding 'Unkabogable Star'. Sa ngayon, bukod sa It's Showtime, abala rin si Vice sa paggawa niya ng mga videos para sa kanyang YouTube channel kung saan mayroon na siyang 7.8 million subscribers.

Read also

Ogie D, tila may payo kina Vice Ganda: "mas maganda siguro mag-courtesy call sila sa MTRCB"

Nito lamang Hunyo 28 ng kasalukuyang taon, pinakaabangan ng lahat ang mensahe ni Vice Ganda sa ginanap na contract signing ng kanyang It's Showtime family sa GTV. At nito lamang Hulyo 1, isang bonggang opening number ang hinandog ng kanilang programa bilang first episode na mapapanood sila sa GTV.

Samantala, tila pinayuhan ni Ogie Diaz si Vice Ganda at mga kasama nito sa It's Showtime na mag-courtesy call sa MTRCB upang sila ay mas maunawaan ng naturang ahensya na nooo'y wala pang desisyon ukol sa mga reklamong nakarating sa kanila kaugnay ng noontime show.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica