Joey De Leon: "Kung saka-sakali, kami ang kauna-unahang show na kalaban din ang show namin"
- Masayang nakipagkwentuhan si Joey De Leon sa mga Dabarkads na tila nami-miss na umano sila
- Maraming naibahagi si Joey sa kanyang Facebook live at ang isa rito ay ang pagiging record holder ng 'Eat Bulaga' sa ilang mga aspeto
- Aniya, kung hindi mababago ang takbo ng mga pangyayari, isa sa karagdagan sa kanilang record ay ang pagkalaban umano sa sarili nilang show
- Ito ay ang posibilidad umano na tapatan nila ang 'Eat Bulaga' sa pagbabalik nila sa noontime slot makuha man nila o hindi ang nasabing pangalan ng programa
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Nagpaunlak ng Facebook live si Joey De Leon sa mga Dabarkads nilang nakasubaybay sa bago nilang page, ang TVJ.
Nalaman ng KAMI na halos isang oras na nakipagkumustahan at nakipagkwentuhan si Joey sa mga 'Dabarkads' na nanonood sa kanila sa iba't ibang panig ng mundo.
Siya mismo ang nagbabasa ng mga komento ng Dabarkads at aminadong natutuwa na makita ang mga mensahe ng patuloy na pagsuporta sa kanila.
Maraming naikwento si Joey tungkol sa Eat Bulaga at ang mga records na hinawakan nito.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Isa rin sa kontrobersyal na nabanggit ni Joey ay ang posibilidad na makalaban umano nila ang sarili nilang show.
"At meron pang isa na record kami, kung saka-sakali. Sa takbo ng mga pangyayari. Kung anoman ang mangyari, kami lang ang kauna-unahang TV show malamang sa buong mundo na kakalabanin ang sarili namin. Naliliwanagan kayo dun?"
"Kung saka-sakali, kung hindi mababago ang takbo ng mga pangyayari, kami ang kauna-unahang show na kalaban din ang show namin"
Ito marahil ay ang kanilang pagbabalik telebisyon sa noontime slot sa bago nilang tahanan, ang TV5. Makuha man nila o hindi ang pangalang Eat Bulaga, matatapatan nila ito.
Narito ang kabuuan ng mga naging pahayag ni Joey mula sa Facebook page ng TVJ:
Ang 'Eat Bulaga' ang itinuturing na longest-running noontime show hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo. Una itong napanood noong taong 1979 sa RPN 9 na sinundan ng pagiging Kapamilya nila sa loob ng anim na taon. At ang pinakahuling naging tahanan nila ay ang GMA 7 sa loob naman ng 28 na taon. Si Joey De Leon, na isa sa mga haligi ng 'Eat Bulaga' ang siyang nakaisip din ng pangalan ng programang minahal ng mga Pilipino sa loob ng 44 taon.
May 31 nang gumulantang sa publiko ang pamamaalam nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa TAPE Inc. Nito lamang June 7, kinumpirma ng TVJ na ang TV5 ang magiging bago nilang tahanan gayundin ng iba pang dating 'Eat Bulaga' host na piniling sumama pa rin sa kanila.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh