Cristy sa TVJ: "Pumayag na 60% lang sahod, wag nang bawasan ang ibang empleyado"
- Ibinahagi ni Cristy Fermin ang nabalitaan umano nito na pumayag na noon sina Tito, Vic at Joey na maging 60% na lamang ang sahod
- Nakiusap din daw umano ang mga ito na huwag nang bawasan ang sahod ng iba pa nilang maliliit na empleyado
- Nasabi rin nitong maraming ideya ang TAPE sa mga nais sana ng mga ito na maging bagong pakulo ng longest running noontime show
- Subalit hindi naman umano ito nagustuhan ng trio na siyang mga orihinal na host ng programa
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Ibinahagi ni Cristy Fermin ang kanya umanong nabalitaan tungkol kina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon bago ito tuluyang mamaalam sa TAPE Inc.
Ayon umano sa source ni Cristy, pumayag na ang TVJ na hindi na buo ang makuhang sahod mula sa programa.
"Nakuha ko 'yung impormasyon na sa unang pag-uusap ng Tito, Vic and Joey, at mga Jalosjos, pumayag na pala ang Tito, Vic and Joey sa 60% na lang ang kanilang sweldo. Ang kanilang pakiusap lang, 'wag nang babawasan 'yung mga maliliit na empleyado ng TAPE Inc. at 'yung matagal-tagal nang nagseserbisyo sa kompanya 'wag nang babawasan."
Aniya, nagbigay din ng ideya ang TAPE partikular si Mayor Bullet Jalosjos na Finance officer ng kompanya.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"Nagkaroon pala siya ng ideya na 'yung Juan for all, all for juan, Siya pala yung darating na naka-motorsiklo, siya 'yung night rider. Siya rin pala yung nagpapahanap ng ka-love team. mag-aartista siya parang ganun"
Kaya may mga elemento o segments doon sa Eat Bulaga na pinatatanggal, papalitan ng panibago.
Gayunpaman, hindi ito nagustuhan ng mga orihinal na host ng programa na tuluyan nang namaalam sa producer ng Eat Bulaga.
Narito ang kabuuan ng mga naibahagi ni Cristy mula sa kanyang YouTube channel na Showbiz Now Na!:
Ang 'Eat Bulaga' ang itinuturing na longest-running noontime show hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo. Una itong napanood noong taong 1979 sa RPN 9 na sinundan ng pagiging Kapamilya nila sa loob ng anim na taon. At ang pinakahuling naging tahanan nila ay ang GMA 7 sa loob naman ng 28 na taon. Si Joey De Leon, na isa sa mga haligi ng 'Eat Bulaga' ang siyang nakaisip din ng pangalan ng programang minahal ng mga Pilipino sa loob ng 44 taon.
May 31 nang gumulantang sa publiko ang pamamaalam nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa TAPE Inc. Nito lamang June 7, kinumpirma ng TVJ na ang TV5 ang magiging bago nilang tahanan gayundin ng iba pang dating 'Eat Bulaga' host na piniling sumama pa rin sa kanila.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh