Cristy Fermin, 'di alam umano ang itatawag sa Eat Bulaga na wala ang TVJ: "Fake Bulaga ba?"

Cristy Fermin, 'di alam umano ang itatawag sa Eat Bulaga na wala ang TVJ: "Fake Bulaga ba?"

- Hindi raw alam ni Cristy Fermin kung ano ang itatawag niya sa kasalukuyang 'Eat Bulaga'

- Ito ay dahil wala na rito ang Tito, Vic and Joey na siyang mga original hosts ng programa

- Aniya, napapahinto talaga siya sa tuwing pinag-uusapan ito dahil 'di niya alam kung 'Eat Bulaga' pa rin ang kanyang babanggitin

- June 5 nang muling mapanood ng live ang 'Eat Bulaga' subalit bagong mga hosts na ang naroon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Aminado si Cristy Fermin na hindi na raw niya umano alam ang itatawag sa kasalukuyang Eat Bulaga.

Cristy Fermin, 'di alam umano ang itatawag sa Eat Bulaga na wala ang TVJ: "Fake Bulaga ba?"
Mga bagong hosts ng Eat Bulaga (Eat Bulaga Na)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na tulad ng karamihang komento ng publiko, ang Eat Bulaga ay hindi umano Eat Bulaga kung wala ang Trio nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon.

Read also

Cristy, hanga sa paninindigan ni Alden: "di natatakot sa kung ano ang sasabihin ng ibang tao"

Dahil dito, naikwento ni Cristy na talagang napapatigil siya kapag pinag-uusapan ang Eat Bulaga na may bago nang mga hosts.

"Hindi ko alam kung anong itatawag ko diyan. Sa kanilang... napapahinto ako. Fake Bulaga ba? O ano bang sasabihin ko? Kasi hindi talaga sila original."

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Noong June 5, sumalang na ang mga bagong host ng nasabing noontime show na kinabibilangan nina Paolo Contis, Betong Sumaya, Buboy Villar at iba pang mga GMA Sparkle talents.

Samantala, narito ang kabuuan ng talakayan nina Cristy mula sa YouTube channel na Showbiz Now Na!

May 31 nang gumulantang sa publiko ang pamamaalam nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa TAPE Inc. Nito lamang June 7, kinumpirma ng TVJ na ang TV5 ang magiging bago nilang tahanan gayundin ng iba pang dating Eat Bulaga host.

Read also

Jose, Wally at Paolo sa pagkalas ng TVJ sa TAPE: "Puzzled syempre, gulong-gulo"

Samantala, ang Eat Bulaga ang tinaguriang longest-running noontime show hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo. Una itong sumaere noong taong 1979 sa RPN 9 na sinundan ng pagiging Kapamilya nila sa loob ng 6 na taon. At ang pinakahuling naging tahanan nila ay ang GMA 7 sa loob ng 28 na taon. Sa kabila ng pamamaalam ng mga orihinal na host ng programa sa kanilang producer, patuloy na napapanood ang Eat Bulaga sa GMA 7 kasama ang mga bagong host na kinabibilangan nina Paolo Contis, Betong Sumaya, Buboy Villar at ilan pang mga GMA Sparkle talents.

Nito lamang Hunyo 10, naging guest host nila si dating Manila City Mayor Isko Moreno. Natanong ito kung araw-araw na ba siyang mapapanood sa programa, sinagot niya ito ng "Kailangan bang i-memorize pa 'yan?"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags: