Cristy, pinaalalang una umanong nagsalita ang TAPE at sumagot lang si Tito Sotto

Cristy, pinaalalang una umanong nagsalita ang TAPE at sumagot lang si Tito Sotto

- Nagbigay opinyon si Cristy Fermin patungkol sa patuloy na iringan umano ng TAPE Inc. at ng Tito, Vic and Joey

- Aniya, nauna umanong nagsalita si Mayor Bullet Jalosjos ng TAPE na sinagot lamang ni Tito Sotto

- Ayon pa kay Cristy, hindi sana magkakaungkatan ng mga umano'y hindi tamang pagpapasuweldo ng TAPE kung iba ang naging pahayag ng kanilang kinatawan sa interview ni Boy Abunda

- Sa ngayon, bago na ang mga host ng 'Eat Bulaga' na nasa ilalim pa rin ng TAPE Inc. at patuloy na napapanood sa GMA7

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinaalalahanan ni Cristy Fermin si Romeo "Jon-Jon" Jalosjos Jr. na ang kapatid nitong si Dapitan City Mayor Bullet Jalosjos ang unang nagsalita patungkol sa kontrobersiyang nangyayari sa pagitan ng TAPE Inc. at nina dating senador Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon.

Read also

Cristy Fermin, 'di alam umano ang itatawag sa Eat Bulaga na wala ang TVJ: "Fake Bulaga ba?"

Cristy, sinabing walang sasagutin si Tito Sotto kung 'di naunang magsalita si Mayor Bullet ng TAPE
Ang magkakapatid na Jalosjos ng TAPE Inc. (Eat Bulaga Na)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na hayagang nasabi ni Cristy na kung hindi naunang magsalita si Mayor Bullet sa isyu, wala umanong sasagutin si 'Tito Sen.'

"Mr. Jalosjos, ipapaalala ko lang po, ang una pong nagsalita ay ang kapatid niyo, si Mayor Bullet Jalosjos. Kung wala pong sinabi ang inyong kapatid, wala pong sasagutin si Senator Tito Sotto."
"Sa bawat laban po, ang pinagdidiskusyunan sino ang nauna. Kahit sa suntukan, sino ang naunang sumuntok? 'Yung pangalawang sumuntok, depensa na lang 'yun"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Kaya dapat alam ninyo na kung walang sinabi ang nakababata niyong kapatid na ayon nga sa Tito, Vic and Joey ay sinabi niyo pa na sige ako ang bahala sa kapatid ko. Parang ganu'n, wala pong sasagutin si Tito Sen"

Dahil umano sa mga nasabi ng Chief Finance officer ng TAPE, naglabasan ang umano'y hindi pagpapasahod ng tama sa oras sa kanilang mga talent kabilang na sina Vic at Joey na nabayaran na umano kamakailan lang.

Read also

Paolo Ballesteros sa pagsama sa TVJ: "hindi mo na iisipin anong work mo bukas or whatever"

"Alam niyo po, hindi naman ang personal nilang kapakanan ang iniisip ng Tito, Vic and Joey. Ang mga tao po sa produksyon. Ang mga host na hindi niyo ibinibigay nang tamang sweldo"

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Cristy mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

May 31 nang gumulantang sa publiko ang pamamaalam nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa TAPE Inc. Nito lamang June 7, kinumpirma ng TVJ na ang TV5 ang magiging bago nilang tahanan gayundin ng iba pang dating Eat Bulaga host.

Samantala, ang Eat Bulaga ang tinaguriang longest-running noontime show hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo. Una itong sumaere noong taong 1979 sa RPN 9 na sinundan ng pagiging Kapamilya nila sa loob ng 6 na taon. At ang pinakahuling naging tahanan nila ay ang GMA 7 sa loob ng 28 na taon. Sa kabila ng pamamaalam ng mga orihinal na host ng programa sa kanilang producer, patuloy na napapanood ang Eat Bulaga sa GMA 7 kasama ang mga bagong host na kinabibilangan nina Paolo Contis, Betong Sumaya, Buboy Villar at ilan pang mga GMA Sparkle talents.

Read also

Jose, Wally at Paolo sa pagkalas ng TVJ sa TAPE: "Puzzled syempre, gulong-gulo"

Nito lamang Hunyo 10, naging guest host nila si dating Manila City Mayor Isko Moreno. Natanong ito kung araw-araw na ba siyang mapapanood sa programa, sinagot niya ito ng "Kailangan bang i-memorize pa 'yan?"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags: