Paolo Ballesteros sa pagsama sa TVJ: "hindi mo na iisipin anong work mo bukas or whatever"
- Nagbigay pahayag si Paolo Ballesteros sa pamamaalam din nila sa TAPE Inc. matapos ang TVJ
- Aniya, hindi na sila nag-usap usap pa ng iba pang mga 'Dabarkads' na pumirma sa courtesy letter
- Tila nagkaroon na umano ng pagkakaunawaan ang iba pang dating mga 'Eat Bulaga' hosts matapos ang desisyon ng tatlo
- Sa ngayon, namamahinga muna sila at inaasahang mapapanood muli sa pagbubukas ng programa ng TVJ sa TV5
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Isa sa natanong kina Paolo Ballesteros, Wally Bayola at Jose Manalo ng programang Sa Totoo Lang ng One PH ay ang naging desisyon nila na pag-iwan na rin sa TAPE Inc.
Matatandaang ilang oras matapos na lisanin nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon ang TAPE Inc., sumunod na rin ang ibang dating Eat Bulaga host sa kanila sa pamamagitan ng isang umano'y courtesy letter na pirmado nilang lahat.
"Alam mo, 'yun ang maganda sa mga Dabarkads, hindi mo na kailangan mag-usap nang verbally. Kasi ilang taon mo 'yun kasama tapos aalis sila. There must be something wrong. HIndi ka na mag-iisip, hindi mo na iisipin anong work mo bukas or whatever. Kumbaga TVJ 'yun e tapos umalis. So, may something. So kaya go! kung saan sila 'dun kami," pahayag ni Paolo.
"Sa'kin ano e, pressure 'yung nangyayari sa loob. 'Yun nga basta sinabi hindi kami eere. Ako sa part ko, hindi naman ako masyadong nag-worry kasi andun 'yung TVJ. Alam naman nating hindi kami pababayaan kung anumang sitwasyon, sila naman yung haharap at siguradong magiging maayos naman so, kung anumang pinaplano alam naming tama 'yung desisyon nila. So, pinaubaya naming lahat. Hindi makakalimutan 'yung prayers," ayon naman kay Jose.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag mula sa News5 Everywhere YouTube:
Ang Eat Bulaga ang tinaguriang longest-running noontime show hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo. Una itong sumaere noong taong 1979 sa RPN 9 na sinundan ng pagiging Kapamilya nila sa loob ng 6 na taon. At ang pinakahuling naging tahanan nila ay ang GMA 7 sa loob ng 28 na taon.
May 31 nang gumulantang sa publiko ang pamamaalam nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa TAPE Inc. Nito lamang June 7, kinumpirma ng TVJ na ang TV5 ang magiging bago nilang tahanan gayundin ng iba pang dating Eat Bulaga host.
Source: KAMI.com.gh