Ogie Diaz sa bagong Eat Bulaga: "Bigyan natin sila ng enough time to prove their worth"

Ogie Diaz sa bagong Eat Bulaga: "Bigyan natin sila ng enough time to prove their worth"

- Nagbigay pahayag si Ogie Diaz patungkol sa pagsasaere muli ng 'Eat Bulaga' kasama ang mga bago nilang hosts

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Matatandaang kabi-kabila ang naging negatibong komento sa bagong Eat Bulaga sa pag-alis ng TVJ sa kanila noong Mayo 31

- Ayon kay Ogie, maging ang mga bagong host ng programa tulad ni Paolo Contis ay tanggap umanong maba-bash sila sa naturang programa

- Gayunpaman, isa si Ogie sa nakiusap na bigyan sana umano ng chance ng mga bagong host na tumanggap ng trabaho

Isa si Ogie Diaz sa nagbigay komento sa mga kaganapan ngayon sa Eat Bulaga. Nito lamang June 5, napanood na muli ang programa kasama ang mga bagong host nito na sina Paolo Contis, Buboy Villar, Betong Sumaya at magkapatid na sina Cassy at Mavy Legazpi.

Read also

Rendon Labador kay Paolo Contis: "Sustento muna bago papremyo"

Ogie Diaz sa bagong 'Eat Bulaga': "Bigyan natin sila ng enough time to prove their worth"
Bagong mga hosts ng Eat Bulaga (Sparkle GMA Artists Center)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ani Ogie, maging ang mga bagong hosts ng Eat Bulaga ay nagsasabing iba pa rin talaga ang orihinal gaya ng mga ibinabato sa kanila ng netizens.

"Kahit nga 'yung mga baguhan na host ng bagong Eat Bulaga ngayon e kaya nilang sabihin na iba pa rin yung original."

Gayunpaman, trabaho itong naiatang sa kanila at isa sila sa mga tumanggap ng napakalaking responsibilidad na ito sa kabila ng mainit-init pa ring kontrobersya.

"Pero ito ay hanapbuhay na sila ay naatasan lang na magtrabaho. Kung huhusgahan natin sa unang araw pa lang, e hindi natin sila mapu-push na galingan.Unless, magsilbi itong motivation sa kanila para lalo nilang pag-igihan 'yan."

Kaya naman maging si Ogie ay nakiusap na rin sa publiko na sana'y bigyan ng pagkakataon ang mga bagong Eat Bulaga hosts na tuparin ang bahagi ng kanilang hanapbuhay na makapagbigay saya at biyaya sa kapwa Pilipino.

Read also

Joey de Leon, naluha habang nagdi-detalye ng ilang ganap nang lisanin ang TAPE

"Bigyan natin ng chance. Trabaho 'yung kanilang tinanggap. Bigyan natin sila ng enough time to prove their worth."

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Ogie mula sa kanyang Ogie Dias Showbiz Update YouTube channel:

Ang Eat Bulaga ang tinaguriang longest-running noontime show hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo. Una itong napanood sa telebisyon noong taong 1979 sa RPN 9 na sinundan ng pagiging Kapamilya nila sa loob ng 6 na taon. At ang pinakahuling naging tahanan nila ay ang GMA 7 sa loob ng 28 na taon.

Matapos ang paghiwalay na umano ng Tito, Vic and Joey sa TAPE Inc., na siyang producer ng Eat Bulaga, marami ang nakaabang sa mga susunod na hakbangin ng programa lalong-lalo na ang TVJ na itinuturing na haligi ng nasabing noontime show.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica