Rendon Labador kay Paolo Contis: "Sustento muna bago papremyo"

Rendon Labador kay Paolo Contis: "Sustento muna bago papremyo"

- Nagbigay mensahe si Rendon Labador kay Paolo Contis bilang isa sa mga bagong hosts ng Eat Bulaga

- Nasabi ni Rendon ang mga katagang "sustento muna bao papremyo"

- Ito ay dahil sa minsang kinumpirma ni Paolo ang uamano'y hindi pagsustento as kanyang mga anak

- Samantala, matatandaang minsan na ring binigyang komento ni Rendon ang kontrobersya sa pagitan nina Moira Dela Torre at Jason Hernandez

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi nakawala sa puna ni Rendon Labador ang pagiging host ni Paolo Contis sa Eat Bulaga.

Rendon Labador kay Paolo Contis: "Sustento muna bago papremyo"
Rendon Labador
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na sa kanyang Facebook page, naibahagi ni Rendon ang larawan ni Paolo at may kasama itong caption na "Paolo Contis ang tigas ng mukha mong mag-host habang nagugutom ang mga anak mo. Sustento muna bago premyo"

Read also

Ogie Diaz sa bagong Eat Bulaga: "Bigyan natin sila ng enough time to prove their worth"

Mabilis na nag-viral ang naturang post lalo pa at may pahabol pang komento si Rendon ukol dito.

"Sisikat ka sana ulit Paolo Contis kung nagbibigay ka ng sustento" dagdag pa ni Rendon

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang sa hiwalayan nina Paolo at dating partner na si LJ Reyes, naungkat 'di umano ang hindi pagsustento ni Paolo sa kanyang mga anak maging sa anak nito kay Lian Paz.

Narito ang kabuuang detalye ng kanyang viral post:

Si Rendon Labador ay isang influencer, vlogger, fitness instructor at motivational speaker. Kamakailan, gumawa ng ingay online ang pangalan ni Rendon nang hamunin siya ng one on one sa basketball ni Marc Pingris. Ito ay may kaugnayan sa komento ng social media influencer sa naging pahayag ng Gilas head coach na si Chot Reyes.

Kamakailan, naging kontrobersyal ang umano'y komento ni Rendon sa kilala at respetadong aktor, komedyante at TV host na si Michael V. Isa si Ogie Diaz na nagbigay reaksyon sa naging pahayag ni Rendon kay Michael V. Maging ang tungkol din sa pagiging isang social media influencer at mainstream sa showbiz.

Read also

TVJ, nag-file ng injunction upang awatin ang TAPE, Inc na gamitin ang 'Eat Bulaga'

Gayundin sa isyu kamakailan nina Moira Dela Torre at Jason Hernandez na muling naungkat dahil sa bagong music video nang nahuli. Ipinagtanggol ni Rendon si Moira gayundin si Zack Tabudlo na nadawit ang pangalan sa kontrobersiya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel