TVJ, posibleng ituloy umano ang demanda sa TAPE ayon kay Cristy Fermin

TVJ, posibleng ituloy umano ang demanda sa TAPE ayon kay Cristy Fermin

- Naibahagi ni Cristy Fermin ang umano'y posibilidad na matuloy sa husgado ang sigalot sa pagitan ng TAPE Inc. at ng Tito, Vic and Joey

- Ito ay kaugnay pa rin sa pamamalam ng tatlo sa TAPE, dahilan para palitan sila at ang iba pang hosts ng patuloy pa ring umeere na 'Eat Bulaga'

- Kabi-kabila ang negatibong pahayag ng publiko dito ngunit nanatiling tahimik ang mga dating host ng programa lalo na ang TVJ ukol dito

- Gayunpaman, sinabi ni Cristy na patuloy umano ang pakikipag-usap ng TVJ sa isang law office na tila may kaugnayan pa rin sa lagay nila at 'Eat Bulaga'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa natalakay sa Showbiz Now Na! nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez ay ang mainit na usapin pa rin nina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey De Leon at ng TAPE Inc. kaugnay sa Eat Bulaga.

Read also

Joey De Leon, siya umanong nag-push sa TVJ na piliin ang TV5 bilang bagong tahanan

TVJ, posibleng ituloy umano ang demanda sa TAPE ayon kay Cristy Fermin
Joey De Leon, Vic Sotto, at Tito Sotto (Showbiz Now Na!)
Source: Youtube

Ayon kay Cristy, tila mauuwi na talaga umano ito sa husgado lalo na at nagtuloy pa rin na sumaere ang Eat Bulaga at pinalitan lamang ang mga host nito na mapapanood pa rin sa GMA7.

Dahil dito, mas lalong umigting ang umano'y sigalot sa pagitan ng TVJ at ng TAPE lalo na at bukod sa pangalan ng programa, ay patuloy ding ginagamit ng kasalukuyang mga host ng show ang salitang 'Dabarkads'.

"Marami na pong nakakaalam na mukhang sa husgado ito matutuloy dahil patuloy po ang pakikipag-usap ng Tito, Vic and Joey sa Divina Law office. At ang sabi ng mga experts, sabi nga ni Senator Tito Sotto, mas magandang gamitin nila ang titulo at ang salitang 'Dabarkads' para mas marami silang hahabulin"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dahil dito, nakaabang naman ang publiko sa kung ano ang ipapangalan sa bagong programa ng TVJ na kinumpirma ngayong Hunyo 7 na ang kanilang bagong magiging tahanan ay ang TV5.

Read also

TVJ: "We agreed among ourselves that by June 7 we will be ready to announce"

Narito ang kabuuan ng mga naging pahayag ni Cristy Fermin ukol sa isyung ito mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Ang Eat Bulaga ang tinaguriang longest-running noontime show hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo. Una itong napanood sa telebisyon noong taong 1979 sa RPN 9 na sinundan ng pagiging Kapamilya nila sa loob ng 6 na taon. At ang pinakahuling naging tahanan nila ay ang GMA 7 sa loob ng 28 na taon.

Matapos ang paghiwalay na umano ng Tito, Vic and Joey sa TAPE Inc., na siyang producer ng Eat Bulaga, marami ang nakaabang sa mga susunod na hakbangin ng programa lalong-lalo na ang TVJ na itinuturing na haligi ng nasabing noontime show.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica