Ogie D, sinabing umaasa ang Tropang LOL na lilipat sa NET25 ayon sa source

Ogie D, sinabing umaasa ang Tropang LOL na lilipat sa NET25 ayon sa source

- Naibahagi ni Ogie Diaz ang nakarating na impormasyon sa kanya na umano'y umaasa ang Tropang LOL na maililipat sa NET25

- Ito ay matapos na mamaalam na nito sa ere noong Abril 29 at sinasabing papalitan ng Face to face, ang bagong programa ni Karla Estrada

- Sinasabing nanganganib pa ang inaasahang paglipat nito sa pag-uusap na naganap sa pagitan ni dating senador Tito Sotto at ng CEO ng Brightlisght sa likod ng LOL na si Mayor Albie Benitez

- Sa ngayon, ang lahat ay tila nag-aabang sa kung ano ang mangyayari sa dalawang noontime show

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa pinakabagong episode ng Ogie Diaz Showbiz Update, naibahagi ang umano'y maaring mangyari sa Tropang LOL at sa Eat Bulaga.

Ogie D, sinabing umaasa ang Tropang LOL na lilipat sa NET25 ayon sa source
Ang mga host ng Lunch Out Loud (Tropang LOL)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na nakarating umano kay Ogie na tila umaasa ang 'LOL' na lilipat lamang sila sa NET25 matapos silang mamaalam sa ere noong April 29, Sabado.

Read also

Vic Sotto, "TVJ" ang nag-iisang mensahe sa para sa kanyang kaarawan

Sinasabing papalitan ang kanilang time slot ng pagbabalik ng programang Face to Face subalit si Karla Estrada na ang bagong host nito.

Kaugnay nito, tila biglang nanganib ang inaasahang paglipat matapos na mismong si Mayor Albie Benitez ng Brightlights production na nasa likod ng LOL ang nagbahagi ng larawan kung saan magkasama sila ni Senator Tito Sotto ng Eat Bulaga.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Ang pagkakaalam ko at 'yung nakuha nating impormasyon, na talagang sila ay umaasang lilipat sa NET 25. Kaya nakikipag-usap ang prod staff ng LOL doon"
"Feeling nila, kung isa lang 'to siyempre panalo 'yung Eat Bulaga dahil established na 'yang for 43 years. tapos kami lang e bago-bago lang kami"
"'E di ba mas pipiliin ni Mayor Albie ang Eat Bulaga," giit ni Ogie.

Kaya naman sa ngayon, tila nakaabang ang publiko sa kung ano na ang mangyayari sa mga nasabing noontime show.

Read also

Tito Sotto sa Eat Bulaga: "Saanman abutin basta kailangan umabot ng 50 years"

Ang Tropang LOL ay isang late-morning variety show sa Pilipinas na naapnoog sa TV5. Una itong sumaere noing Oktubre ng 2020 subalit kamakailan lang ay namaalam na ito sa publiko noong Abril 29.

Kasabay nito ang kontrobersyang nababalot naman hanggang ngayon sa Eat Bulaga na tinaguriang longest running noontime show hindi lang sa bansa kundi maging sa buong mundo.

Maging sa programa ni Ogie Diaz na Ogie Diaz Showbiz Update, madalas nang matalakay ang isyung kinakaharap ngayon ng Eat Bulaga. Lalo na at matapos na magpaunlak ng panayam ni Mayor Bullet Jalosjos sa Fast Talk with Boy Abunda, kabi-kabilang panayam din ang pinaunalakan Senator Tito Sotto.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica