Mayor Bullet Jalosjos, sinigurong mananatili ang Tito, Vic and Joey sa Eat Bulaga

Mayor Bullet Jalosjos, sinigurong mananatili ang Tito, Vic and Joey sa Eat Bulaga

- Siniguro ni Mayor Bullet Jalosjos na mananatili pa rin ang 'Tito, Vic and Joey' sa Eat Bulaga

- Isa ito sa kanyang kinumpirma sa panayam sa kanya ng King of Talks na si Boy Abunda

- Matatandaang kasabay ng napabalitang rebranding ng Eat Bulaga ay ang usap-usapan na maging ang TVJ ay mawawala na rin sa programa

- Nasabi rin ni Mayor Bullet na hindi aalis ang Eat Bulaga sa GMA gayung may kontrata pa sila sa nasabing network

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinumpirma mismo ng Chief Finance Officer ng TAPE Inc. na si Mayor Bullet Jalosjos na mananatili ang Tito, Vic and Joey sa Eat Bulaga.

Mayor Bullet Jalosjos, sinigurong mananatili ang Tito, Vic and Joey sa Eat Bulaga
Tito Sotto, Vic Sotto and Joey De Leon (Eat Bulaga)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na isa ito sa binigyang linaw ni Mayor Bullet sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa programa nitong Fast Talk.

Read also

Moonbin ng K-pop group na Astro, pumanaw na sa edad na 25

"Are you assuring that TVJ will stay?" tanong ni Boy kay Mayor Bullet na ang agad na isinagot nito ay "Definitely."

Nabanggit din ni Mayor Bullet na kaya binigyan siya ng pahintulot ng TAPE Inc. na kapanayamin ni Boy ay upang bigyang linaw ang mga haka-haka ukol sa rebranding na inaasahan sa Eat Bulaga makalipas ang 44 na taon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matagal na rin naming gustong i-clear out. Ang totoo niyan, wala naman pong takeover. People have been retiring. Si Tony Tuviera starting March. And Tita Malou Fagar also, so it's just right na pumasok na rin po and maging active 'yung board of directors.

Aniya, bago pa man magpandemya, humihiling na si Toni Tuviera na magretiro.

"But ang joke nga ni Joey mismo, it's not a rebranding, it's rebonding. Rebonding ng kompanya, rebonding ng mga kapamilya, I mean ng pamilya sa Eat Bulaga, rebonding ng executives. Rebonding din ng GMA," paglilinaw ni Mayor Bullet.

Read also

Mayor Bullet Jalosjos ng TAPE Inc., binigyang linaw umano'y pagbabago sa Eat Bulaga

Narito ang kabuuan ang panayam mula sa programang Fast Talk with Boy Abunda:

Ang Eat Bulaga ang longest running noontime show sa Pilipinas na unang suma-ere noong 1979.

Kabi-kabilang balita ang lumalabas at nagsasabing mawawala na umano ang 'Tito, Vic and Joey' na siyang mga original hosts ng programa 44 taon ang nakalilipas.

Maging si Ogie Diaz ay nagpaliwanag ng kanya umanong nasagap sa mainit na showbiz issue na ito. Isa na rito ang paglisan ni Maine Mendoza na siya namang pagbabalik ni Alden Richards na nawala ng halos mahigit isang taon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags: