Manager ng rapper na may nakitang nabubulok na bangkay sa kanyang kotse, nagsalita na
- Manager ni d4vd nagsalita matapos matagpuan ang bangkay ng dalagitang si Celeste Rivas Hernandez sa trunk ng Tesla ng singer
- Si Josh Marshall ay itinanggi ang anumang kaugnayan ng kanyang alaga sa kaso at hiniling na mag-ulat lamang ng totoong impormasyon
- Ayon sa ulat, bangkay ng biktima ay nakabalot sa plastic at natagpuan sa impound lot sa Hollywood; kasalukuyang iniimbestigahan bilang homicide
- Lumutang ang mga koneksyon kay d4vd, kabilang ang lumang tsismis ng relasyon, kanta na may pangalan ni Celeste, at magkaparehong tattoo
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!

Source: Original
Nagsalita ang manager ni d4vd matapos kumalat ang balita tungkol sa bangkay na natagpuan sa trunk ng Tesla ng singer.
Sa komento niya sa TikTok, itinanggi ni Josh Marshall ang mga tsismis na may kinalaman ang kanyang alaga sa kaso ni Celeste Rivas Hernandez.
Paliwanag niya, wala siyang natanggap na email o impormasyon tungkol dito at naninirahan siya sa labas ng California.
Dagdag pa ni Marshall, malungkot ang nangyari at umaasa siyang matukoy agad ng mga awtoridad ang katotohanan.

Read also
Ate Gay, emosyonal na nagpasalamat matapos makita ang mabilis na epekto ng radiation therapy
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Aniya, karamihan sa lumalabas na balita ay haka-haka lamang kaya’t dapat ay factual ang iulat.
Kinumpirma rin niya sa Los Angeles Magazine na siya ang nag-iwan ng komento sa TikTok tungkol sa usapin.
Si Hernandez ay nai-report na nawawala noong Abril 15, 2024 sa Lake Elsinore, California.
Noong Setyembre 8, natagpuan ang kanyang bangkay na nakabalot sa plastic sa trunk ng Tesla ni d4vd sa isang impound lot sa Hollywood.
Ayon sa Medical Examiner’s Office, lubhang bulok na ang katawan kaya’t kailangan pa ng panahon upang matukoy ang sanhi ng kanyang pagkamatay.
Dahil dito, muling nabuhay ang mga usapin na may koneksyon ang singer sa dalagita.
May ulat na nakipag-date si Celeste kay d4vd, at isang unreleased track niya ay binanggit ang pangalang Celeste. Pareho rin silang may tattoo na “Shhh” sa kanang hintuturo.
Habang tuloy ang imbestigasyon, kinumpirma ng spokesperson ng singer na nakikipagtulungan si d4vd sa mga awtoridad.
Kanselado na rin ang ilan sa kanyang shows sa gitna ng kaso.
Basahin ang artikulo na nilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.
Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.
Sa nakaraang ulat ng KAMI, isang bangkay ang natagpuan sa trunk ng isang Tesla na nakarehistro kay US rap star d4vd. Naamoy ng mga kapitbahay ang mabahong amoy mula sa tow yard sa Hollywood noong Sept. 8. Ayon sa pulisya, ilang araw nang naroon ang sasakyan at ang bangkay ay binalot sa plastik. Si d4vd ay nasa world tour at patuloy na aktibo sa social media pero walang binabanggit tungkol sa insidente.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh