MTRCB, itinangging 'under review' na ang Pepsi Paloma film ni Darryl Yap

MTRCB, itinangging 'under review' na ang Pepsi Paloma film ni Darryl Yap

  • Itinanggi ng MTRCB na kasalukuyang sumasailalim sa review ang pelikulang Pepsi Paloma ni Darryl Yap dahil sa hindi kumpletong mga kinakailangang dokumento
  • Ipinahayag ng ahensya na kailangang magsumite ang distributor ng mga sertipiko mula sa RTC, DOJ, at City Prosecutor bago ito ma-review
  • Ibinunyag ng MTRCB na mahigpit nilang sinusunod ang Presidential Decree No. 1986 upang maiwasan ang anumang paglabag sa regulasyon
  • Iginiit ng ahensya na hindi nila pahihintulutan ang anumang maling impormasyon na maaaring makasira sa kanilang mandato

Mariing itinanggi ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na kasalukuyang sumasailalim sa review ang kontrobersyal na pelikulang "Pepsi Paloma" na idinirek ni Darryl Yap.

MTRCB, itinangging 'under review' na ang Pepsi Paloma film ni Darryl Yap
MTRCB, itinangging 'under review' na ang Pepsi Paloma film ni Darryl Yap (Darryl Yap/Facebook)
Source: Facebook

Ayon sa MTRCB, ang naturang pelikula ay "currently NOT UNDER REVIEW due to incomplete requirements."

Sa inilabas na pahayag, ipinaliwanag ng ahensya na hindi nito maaaring tanggapin ang isinumiteng materyales ng pelikula dahil hinihiling ng Legal Affairs Division na magbigay ang distributor ng tatlong partikular na dokumento, kabilang ang Certificate or Clearance of No Pending Criminal, Civil, or Administrative Case mula sa Regional Trial Court, Department of Justice, at Office of the City Prosecutor.

Read also

Anak si Sen. Raffy Tulfo na si QC Rep. Ralph Tulfo, nag-sorry sa pag-gamit ng EDSA Busway

"As part of the standard review process, the MTRCB Legal Affairs Division has formally communicated with the film’s distributor, PinoyFlix Films and Entertainment Production, with regard to the missing requirements," ayon sa pahayag ng MTRCB.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"This is to ensure that there will be no violation of the P.D. 1986 and its Implementing Rules and Regulation (IRR)," dagdag pa nito.

Samantala, ibinasura ng korte ang mosyon ni Darryl Yap na pag-isahin ang mga kaso kaugnay sa teaser ng pelikulang "Pepsi Paloma."

Iginiit din ng MTRCB na "each film undergoes a rigorous and meticulous review process" upang matiyak na hindi ito lalabag sa itinakdang pamantayan ng Presidential Decree No. 1986, na naglalayong i-regulate at i-klasipika ang mga pelikula at programa sa telebisyon sa bansa.

"The MTRCB will not tolerate any misinformation or false narrative that [seeks] to discredit the Agency and undermine its mandate to protect the public interest," ayon pa sa ahensya.

Read also

Contract signing ng GMA at ABS-CBN para sa “Pinoy Big Brother,” ginanap sa Bahay ni Kuya

Binigyang-diin din ng MTRCB na ang anumang pagtatangkang linlangin ang publiko ay haharapin alinsunod sa batas.

"Any attempt to deliberately mislead the public will be dealt with in accordance with the law," pagtatapos ng pahayag nito.

Si Darryl Yap ay isang Filipino filmmaker, director, at screenwriter na kilala sa paggawa ng mga kontrobersyal na pelikula at online content. Siya ang nasa likod ng VinCentiments, isang social media platform na nagpo-produce ng short films at viral videos na kadalasang tumatalakay sa mga usapin ng buhay, lipunan, at politika.

Matatandaang nakisali ang kontrobersiyal na direktor sa mainit na sagutan ng social media personalities na sina Chloe San Jose at Sophia Delas Alas, anak ni Ai-Ai Delas Alas. Sa isang post na agad nag-viral, tila pabirong sinabi ni Yap na gusto rin niyang isali sa gulo. Aniya, “Sali niyo naman ako sa away niyo. Matapang din naman ako eh.”

Sa gitna ng patuloy na usap-usapan tungkol sa umano'y sagutan nina Chloe San Jose at Sophia Delas Alas, anak ni Ai-ai Delas Alas, nagbigay opinyon si Yap na tila pabirong sumasali sa isyu. Matatandaang nag-post si Yap ng komento, sinasabing matapang din naman siya kaya’t gusto niyang isali sa gulo.

Read also

Sen. Raffy Tulfo, inamin na nahuli ang sasakyan ng anak sa paggamit ng EDSA busway

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate