Paye Galang, okay lang daw kahit wala siyang cellphone: "Maganda pa rin naman ako"

Paye Galang, okay lang daw kahit wala siyang cellphone: "Maganda pa rin naman ako"

- Tinanong ni Papa Audie si Paye Galang tungkol sa pagkasira ng kanyang dalawang cellphone

- Kinamusta niya si Paye kung kumusta daw ang buhay nang walang cellphone

- Aniya, ayos lang daw at may laptop pa rin naman siyang nagagamit at maganda pa rin daw siya

- Matatandaang binasag ni Toni Fowler ang dalawang iPhone ni Paye matapos niyang magawa ang bagay na pinagbabawal ni Toni

Naitanong kay Paye Galang kung kumusta ang buhay niya na walang cellphone. Matatandaang binasag ni Toni Fowler ang dalawang iPhone ni Paye matapos niyang magawa ang bagay na pinagbabawal ni Toni.

Paye Galang, okay lang daw kahit wala siyang cellphone: "Maganda pa rin naman ako"
Paye Galang, okay lang daw kahit wala siyang cellphone: "Maganda pa rin naman ako"
Source: Facebook

Sa video na binahagi ni Papa Audie, pabiro niyang kinamusta si Paye matapos sirain ni Toni ang kanyang dalawang iPhone.

Sagot ni Paye, may laptop naman siyang ginagamit at maganda pa rin naman siya kaya ayos lang daw.

Matatandaang binasag ni Toni Fowler ang dalawang iPhone ni Paye matapos niyang magawa ang bagay na pinagbabawal ni Toni. Ang mga iPhone na iyon ay bigay din ni Toni kay Paye.

Read also

Sarah Geronimo, binati ang aniya'y kanyang 'gwapo husband'

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Paye Galang ay isa sa mga kasama nina Toni Fowler sa ToRo Family. Bukod sa kilala bilang kapatid ni Papi Galang, Nagtatrabaho din si Paye sa Fab, ang skin care company na pagmama-ari nina Toni.

Matatandaang nag-post si Papi kaugnay sa kapatid na si Paye na kamakailan ay nagpaayos ng kanyang ilong. Sa kabila ng tampuhan nila ay hindi natiis ni Papi ang kapatid kaya nanatili siya hanggang mawalan ng malay si Paye bago ang kanyang operasyon. Bago tuluyang makatulog ay sinabi ni Paye na mas famous daw siya sa ate niya. Matatandaang ito din ang sinabi ni Paye sa ate niya nang mag-away sila dahil aniya ay naiinggit ang ate niya sa kanya.

Nag-post si MG ng petisyon kaugnay sa kagustuhan niyang maalis si Paye sa ToRo family house. Ito ang kanyang post matapos niyang mag-react sa pinakahuling episode ng reality show ng ToRo family. Si Paye ay kadalasang umaani ng mga komento sa netizens dahil sa kanyang pagiging matapang pagdating sa pagpapahayag ng opinyon. Nakapanayam na rin siya ni MG at hindi ito natinag sa mga tanong sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel