Leren Mae, ipinaliwanag ang viral Christmas tree post: "We're just making fun of us na lang"

Leren Mae, ipinaliwanag ang viral Christmas tree post: "We're just making fun of us na lang"

- Natanong ni Ogie Diaz si Leren Mae Bautista tungkol sa kontrobersyal na 'Christmas tree labada' post nito

- Ipinaliwanag naman ito ni Leren at sinabing pinagaan lamang nila ang bagay na negatibo

- Aniya, naawa pa siya kay Ricci na ganoon umano ang tingin sa kanya ng tao

- Kamakailan, kinumpirma na nina Ricci at Leren ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng magkahiwalay na Instagram post

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagkaroon ng pagkakataon si Ogie Diaz na makapanayam si Leren Mae Bautista nang mag-judge sila sa isang pageant sa Pasig City kamakailan.

Leren Mae, ipinaliwanag ang viral Christmas tree post: "We're just making fun of us na lang"
Leren Mae Bautista and Ricci Rivero (The UAAP)
Source: Facebook

Natanong ni Ogie si Leren tungkol sa nag-viral nitong post tungkol sa Christmas tree ng mga lalabhang damit.

Doon, nakapagbigay detalye si Leren at sinabing pinagaan na lamang nila ni Ricci ang bagay na negatibo para sa nobyo.

Read also

Rosmar, naikwento ang tungkol sa asong may galis na tila simula ng kanyang skincare business

"'Yung Christmas tree post na yun, ah we're just making fun of us na lang. Kasi parang na-quote na rin na si ano ay hindi naglalaba so parang kami let's make fun of it na lang kasi kawawa din naman din siya, ganon na nga 'yung tingin ng tao sa kanya na parang hindi nga raw siya naglalaba. Sabi ko, sige ano, gawin na lang nating light yung negative na ginagawa nung mga tao so yun lang naman yun."

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nabanggit din ni Leren na hindi umano siya sanay sa mga nagaganap ngayong karelasyon niya si Ricci Rivero na kamakailan lamang ay kanilang kinumpirma.

"Ako honestly, nagugulat din ako. Kasi hindi rin naman ako sanay sa nangyayari. It's very new to me. It's different from the pageant scene, it's different from political side. Ngayon, parang kahit akong gawin mo, may mamasabi 'yung tao and even if you do good may masasabi din and kung may makita man silang mali, talagang i-aattack ka talaga nila."

Read also

Cristy, sa umano'y hiwalayan ng Kathniel: "Galing sa bibig mismo ng ina ni Daniel Padilla"

Sa ngayon, naka-focus umano sina Leren at Ricci sa kani-kanilang career lalo na at nasa PBA na umano si Ricci at manatiling positibo sa kabila ng mga bashing na kanila umanong natatamo.

Narito ang kabuuan ng naging pahayag ni Leren Mae Bautista mula sa Showbiz Now Na!:

Si Ricci Rivero ay isang kilalang basketball player sa bansa. Siya ang ex-boyfriend ng aktres na si Andrea Brillantes. Katunayan, gumulantang sa publiko ang kanilang hiwalayan gayung agaw-eksena rin noon ang pagtatanong ni Ricci kay Andrea kung pwede niya ba itong maging girlfriend.

Kamakailan, kinumpirma ni Ricci ang pagkakaroon umano nila ng relasyon ng beauty queen, politician na si Leren Mae Bautista. Minsan na ring nilinaw ni Ricci na hindi kailanman naging third party si Leren lalo na sa naging dati niyang nakarelasyon.

Samantala, tila ine-enjoy naman ngayon ni Andrea Brillantes ang pagiging single at kamakailan nga ay napuri siya ni Dra. Vicki Belo sa pagiging 'good girl' na umano ni Andrea. Aniya, nakamamangha umano ang independence nito subalit naiiba kapag ito raw ay nai-in love.

Read also

Cristy Fermin kay Vice Ganda: "Kung gusto mo na makipagtuos, meron namang paraan para diyan"

Sa naturang vlog di ni Dr. Belo, inamin ni Andrea na minsa'y na-insecure siya dahil tila ba hindi siya sapat sa taong inaakala niyang nakalaan para sa kanya. Gayunpaman, agad naman niyang na-realize na mas marami umano siyang bagay na dapat na ipagpasalamat.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel