Cristy, lakas-loob na nasabi ang edad at pangalan ng umano'y mga anak nina Coco at Julia

Cristy, lakas-loob na nasabi ang edad at pangalan ng umano'y mga anak nina Coco at Julia

- Hayagang binanggit ni Cristy Fermin ang mga pangalan at edad ng umano'y mga anak nina Coco Martin at Julia Montes

- Aniya, Babae ang panganay habang lalake naman ang bunso

- Hindi lamang ito, nabanggit din ni Cristy na nagdadalang tao muli si Julia

- Marami umano ang nakapansin nito maging sa promo pa lamang ng pelikula nila ni Alden Richards na tumabo sa takilya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Walang prenong nabanggit ni Cristy Fermin ang tungkol umano sa mga anak nina Coco Martin at Julia Montes na matagal-tagal na rin umanong napapabalita.

Cristy, lakas-loob na nasabi ang edad at pangalan ng umano'y mga anak nina Coco at Julia
Coco Martin and Julia Montes (@b617management)
Source: Getty Images

Ani Cristy, babae umano ang panganay nina Coco at lalake naman ang bunso.

"Maglalakas-loob na po kami na magbigay ng detalye tungkol sa kanilang relasyon. Pero sa positibong paraan ito. Totoo po na meron na silang anak. Si Coco at si Julia. Apat na taong gulang na po ang batang babae na panganay nila. Bakit sinabi ko pong panganay, may kasunod na po ang bata. Magdadalawang taon naman po ang lalake. Ang pangalan ng panganay nila ay Matilda ang bata pong ito ang pangalan ay isinunod sa nagpalaking lola kay Coco," ani Cristy.

Read also

Kasalan sa Saranggani, sapul sa video nang yanigin ng 7.2 magnitude na lindol

"At kamakailan po ay bininyagan naman ang batang lalake. Siguro po, naramdaman niyo rin po yun nang may nagpost ng tungkol sa party na meron pong cake sa likod na ang nakasulat po ay Popoy... Kaya dalawa po ang kanilang anak, isang babae at isang lalake," dagdag pa nito.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kabila nito, nauunawaan daw niya ang umano'y paglilihim ng dalawa na nagnanais lamang maging pribado ang buhay ng mga anak.

"Pero ito naman po ang atin ano. Naiintindihan po namin kung bakit hindi po sila nagbibigay ng opisyal na pahayag o komento tungkol sa pagkakaroon nila ng mga anak. Ganoon po talaga ang mga magulang. Ang gusto nila, hanggang maaari na mailayo sa mata ng publiko ang kanilang mga anak ay gagawin nila"

Narito ang kabuuan ng naging pahayag ni Cristy mula sa YouTube channel niyang Showbiz Now Na!

Read also

Maxene Magalona, nag-repost ng 'forgive your parents' quote

Si Mara Hautea Schnittka o mas kilala bilang si Julia Montes ay isinilang noong March 19, 1995, sa Pandacan, Manila. Una siyang nakilala sa Going Bulilit kung saan nakasama rin niya ang iba pang child stars tulad ni Kathryn Bernardo. Hinangaan sila sa pagganap nila sa remake ng Mara Clara kung saan sila ni Kathryn ang bumida.

Samantala, sa panayam ni Ogie Diaz kay Julia nabanggit nito kung gaano ka-espesyal ang pagkakaibigan nila ni Kathryn. Pabiro pa niya itong nilarawan bilang 'original love team' dahil sa closeness nilang dalawa off cam. Aniya, nais nga nilang magkaroon muli ng proyekto ni Kathryn na magkakasama muli silang dalawa.

Kasalukuyang pumapalo sa takilya ang pelikula nina Julia at Alden Richards ang Five Breakups and a Romance. Masasabing ito ang comeback movie ni Julia gayung ilang taon din siyang napahinga sa paggawa ng proyekto para sa big screen. Aminado rin si Julia na komportable siyang katrabaho si Alden gayung kaibigan niya talaga ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel