Tim Sawyer, pina-Tulfo ng babaeng nagsasabing nabuntis niya

Tim Sawyer, pina-Tulfo ng babaeng nagsasabing nabuntis niya

- Inireklamo si Tim Sawyer ng isang babaeng nagngangalang Jennifer kaugnay sa kanyang pinagbubuntis

- Hindi daw inaako ni Tim ang pinagbubuntis niya kaya pinabarangay daw niya si Tim

- Limang buwan na ang dinadala nitong sanggol ngunit aniya, handa siyang magpa-DNA test para mapatunayang kay Tim ang pinagbubuntis niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Hindi naman na nakipag-usap si Tim sa Wanted sa Radyo kung saan dumulog si Jennifer

Nireklamo si Tim Sawyer ng babaeng nagpakilalang nabuntis ni Tim. Sa proramang Wanted sa Radyo, ay ayaw daw akuin ni Tim na kanya ang pinagbubuntis nito.

Tim Sawyer, pina-Tulfo ng babaeng nagsasabing nabuntis niya
Tim Sawyer, pina-Tulfo ng babaeng nagsasabing nabuntis niya
Source: Facebook

Sinabi daw nito na magreklamo na lang si Jennifer dahil aniya ay wala namang pruweba si Jennifer na sa kanya ang batang pinagbubuntis nito.

Ayon pa kay Jennifer, ang gusto lang daw niya sana ay magkaroon sila ng kasunduan ni Tim pero hindi daw nito inaamin na siya ang ama.

Read also

Gerald Anderson, natanong tungkol sa kasalan: "Mas marami pang problema sa mundo ngayon"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dagdag pa niya, may mga patunay naman siyang may relasyon sila sa pamamagitan ng mga conversation nila.

Si Tim Sawyer ay isang Pinoy content creator na nakilala sa kanyang mga comedy skits. Siya ang dating karelasyon ng vlogger din na si China Roces. Mayroon silang isang anak bago naganap ang kontrobersiyal at masalimuot na paghihiwalay nila.

Matapos ang kanilang masalimuot na paghihiwalay, tila handa na sina China at Tim na ayusin ang gusot nila para sa anak nilang si Timothy. Pinayagan na ni China na magkita at makasama ni Tim ang anak nila at binahagi niya ang video ng mag-ama sa kanyang YouTube channel. Marami ang natuwa dahil naisip umano ng dalawa kung ano ang mas makakabuti sa kanilang anak. Matatandaang naisapubliko na rin ni China ang tungkol sa kanyang bagong pag-ibig at engaged na rin sila.

Read also

Amy Perez sa level up hosting nila: "Bakit niyo ko ginaganito?"

Samantala, ang inakala ni Tim Sawyer na masayang collaboration kasama si AJ Raval ay nakapagpataranta sa kanya. Hindi niya inasahan ang pagtataray at pagmamaldita ni AJ habang sinubukan niya itong tanungin ng ilang katanungan na kanyang inihanda. Lingid sa kanyang kaalaman ay isang prank pala ang inihanda nina AJ sa kanya at iyon ay ang "Attitude prank." Tila nabunutan naman ng tinik si Tim nang malaman niyang prank lamang ang lahat ng pinakitang pagtataray ni AJ.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel