Ogie D, isang head umano ng ABS-CBN ang magre-resign sakaling bumalik si Willie Revillame

Ogie D, isang head umano ng ABS-CBN ang magre-resign sakaling bumalik si Willie Revillame

- Nabanggit ni Ogie Diaz na hindi na umano makababalik sa ABS-CBN si Willie Revillame

- Sakaling mangyari ito, isang tao sa kanilang top management ang umano'y magre-resign

- Ayon kay Willie, labis na sumakit ang ulo umano ng taong ito kay Willie

- Matatandaang kamakailan ay naging matunog ang pagre-resign umano ni Willie sa AMBS

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa umanong tao sa top management ang magre-resign sakaling bumalik ng ABS-CBN si Willie Revillame.

Ogie D, isang head umano ng ABS-CBN ang magre-resign sakaling bumalik si Willie Revillame
Willie Revillame (Wowowin)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ito umano ang nakarating kay Ogie Diaz na kanya namang naibahagi sa kanyang YouTube channel na Showbiz Update.

Napag-usapan nila nina Ogie, Mama Loi at Ate Mrena ang mga posibleng gawin ni Willie ngayong nag-resign na 'di umano ito sa AMBS na pagmamay-ari ni Manny Villar.

Isa sa naisip ni Mrena ay ang posibilidad na bumalik na lamang si Willie sa GMA.

Read also

Marco Sison sa pagpanaw ng apo na sana'y GMA artist na: "hanggang dun lang"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Naku kung ganoon lang kadali Mrena, why not 'di ba? Kaya lang siyempre, dati hinabol pa siya ng GMA pero umayaw na siya kasi nga malaki ang offer ni Manny Villar. So, "I don't think hahabulin siya ngayon ng GMA 7," paliwanag ni Ogie.

Gayundin sa ABS-CBN na sakaling maisip ni Willie na bumalik, isang head ng istasyon ang magbibitiw ng posisyon.

"Ang ABS-CBN naman ang alam ko, eto'y ano lang naman sa akin once makabalik ng ABS-CBN si Willie Revillame, isang tao mula sa top management ang magre-resign. Ang nakarating sa akin, pinasakit ang ulo non ni Willie. Hindi ko lang alam ah, kung sino 'yung tao na 'yun," saad ni Ogie.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

Si Willie Revillame isa sa mga batikang komedyante at TV host sa Pilipinas. Kilala siya bilang isa sa mga pinakamayamang celebrity sa bansa. Naibabahagi niya umano ang mga biyayang ito sa ilang mga game shows niya na talagang pumatok sa masa tulad na lamang ng Wowowin.

Read also

Angeline Quinto, napag-uusapan na umano ang pagpapakasal: "Pero ayaw kong magmadali"

Bagama't makailang beses nang inalok na pasukin ang pulitika, minabuti niyang manatili sa programa kung saan umano siya nakakatulong na agad sa kapwa Pilipino na nangangailangan.

Naging matunog ang kanyang pangalan kaugnay sa pagsasara ng ilang programa ng AMBS2 at ALLTV. At kamakailan nga ay naging usap-usapan ang tuluyan nang pagre-resign nito sa nasabing network.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel