Luis Manzano, dinipensahan ni Cristy: "Siya man po ay mayroon ding kwestyon"

Luis Manzano, dinipensahan ni Cristy: "Siya man po ay mayroon ding kwestyon"

- Isa si Cristy Fermin sa mga dumidipensa kay Luis Manzano sa kinakaharap nitong kontrobersiya ngayon

- Aniya, imposible umanong may kinalaman si Luis sa sinapit ng umano'y Flex Fuel scam

- Noon pa ma'y wala naman napabalitang niloko si Luis lalo na pagdating sa negosyo

- Maging si Luis pa nga umano ay may mga katanungan din sa sinapit ng Flex Fuel

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Natalakay nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez ang umano'y pagkakadawit ng pangalan ni Luis Manzano sa umano'y Flex Fuel scam.

Luis Manzano, dinipensahan ni Cristy: "Siya man po ay mayroon ding kwestyon"
Luis Manzano (@luismanzano)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na maging si Cristy ay dumipensa kay Luis at sinabing imposible ang mga paratang sa TV host na kasabwat umano ito sa naturang scam.

"Si Luis Manzano pa naman. Napakagandang humawak ng kanyang pananalapi. Wala naman po tayong nabalitaang sinoman na niloko niyang pampinansyal. Hindi siya 'yun," ani Cristy.

Read also

Cristy Fermin, naantig sa napag-usapan nila ni Pokwang: "Nabagbag ang damdamin ko"

Sa dami na raw ng inendorso ni Luis, marami na itong pera at hindi na raw nito kailangan pang manloko ng tao ayon naman kay Romel Chika.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Hindi po kayo inimbitahan o kinaladkad ni Luis Manzano para maging bahagi po ng korporasyon na ito,": paliwanag pa ni Cristy patungkol sa mga nabiktima rin umanong mga investors.

"Siya man po ay mayroon ding kwestyon. Siya man po ay naghahabol ngayon. Pare-pareho lamang po kayong may disgusto sa kompanyang ito," ayon pa kay Cristy lalo na at matatandaang ang grupo pa umano ng FLex Fuel sa pamumuno ni Bong Medel Jr. na siyang nabanggit ni Luis ang may pagkakautan pa umano sa kanya na nagkakahalaga ng Php66 million.

Narito ang kabuuan ng talakayan nina Cristy mula sa YouTube channel nilang Showbiz Now Na!:

Read also

Cristy sa nalalapit na ending ng Darna: "Ito yung pinakawalang kadating-dating"

Si Luis Manzano ay anak ng nag-iisang Star For All Seasons, Vilma Santos at batikang aktor na si Edu Manzano. Gumawa siya ng pangalan sa showbiz dahil sa ipinakita niyang husay sa hosting at pagiging isa ring komedyante.

Kamakailan, ibinahagi nina Luis at misis niyang si Jessie Mendiola ang larawan ng kanilang bagong silang na anak na si Isabella Rose.

Subalit, ilang araw lamang buhat nang isapubliko nila ang larawan ng anak, lumabas din ang kontrobersiya dulot Flex Fuel Scam.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel