Cristy Fermin, sinabing tinanggihan na umano ni David Foster si Jake Zyrus

Cristy Fermin, sinabing tinanggihan na umano ni David Foster si Jake Zyrus

-Tinanggihan na raw umano ng kilalang music executive na si David Foster si Jake Zyrus

- Ito ang isa mga naibahagi ni Cristy Fermin sa pinakabago niyang episode ng Showbiz Now Na!

- Aniya, bukod sa wala ring permanenteng tirahan si Jake sa Amerika, wala na rin daw itong proyekto

- Maging si Cristy ay nanghinayang sa sinapit ni Jake na kilala na isa sa mga 'pride' ng Pilipinas pagdating sa kantahan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naikwento ni Cristy Fermin sa bagong episode ng kanyang YouTube channel kasama sina Romel Chika at Morly Alinio na 'Showbiz Now Na' ang reaksyon umano'y sinapit ng karir ni Jake Zyrus sa Amerika.

Cristy Fermin, sinabing tinanggihan na umano ni David Foster si Jake Zyruz
Jake Zyruz (@jakezyrusmusic)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na bukod sa palipat-lipat ito ngayon ng tirahan, wala rin umano itong maayos na proyekto sa Amerika.

Malayo umano ito sa kabi-kabilang mga proyekto noong siya ay si Charice Pempengco pa.

Read also

Ogie D, nabanggit kay Xander Ford ang 'attitude' nito noon na siya mismo ang nakasaksi

Ani Cristy, nakarating umano sa kanilang programa na maging ang record producer na si David Foster na dating nagdadala sa international stage kay 'Charice' ay hindi na muling napagbibigayan si Jake.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Eto na nga. Nag-try pala na lumapit ulit kay David. Tinanggihan siya. Kasi nagkaroon pala ng argumento noon si Charice at ang mga namamahala ng kanyang karera sa Amerika. Na siguro ipinagtapat niya na talagang iba, may gusto ako na parang ayaw ng iba. Parang ganun. Siguro siya ay pinayuhan na 'no,' Stick to what you are. Ikaw man ay merong ibang nararamdamanat ikaw ay isang tibo, itago mo. Ang dami-daming tibo singer sa buong mundo na nagtagumpay"

Dahil dito, maging si Cristy ay aminadong nanghinayang sa itinakbo ng singing career ni Jake

Narito ang kabuuan ng chika ni Cristy Fermin mula sa YouTube channel niya na 'Showbiz Now Na':

Read also

Xander Ford, nais na personal mag-sorry kay Kathryn: "Content lang po, bayad ako"

Si Jake Zyrus ay unang nakilala bilang si Charice Pempengco. Siya ay unang nakilala nang sumali siya sa Little Big Star kung saan hindi man siya nanalo, naging daan ito upang makilala siya sa iba pang panig ng mundo.

Naging sikat siya at nakapag concert sa iba't-ibang panig ng mundo nang makasama siya ni David Foster na tumulong sa kanya. Kinalaunan, napagpasyahang palitan ni Charice ang kanyang pangalan kaya siya ay kilala na bilang si Jake Zyrus.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel