Madam Inutz, makulit na video ang umano'y reaksyon sa 'rebelasyon' ni Wilbert Tolentino

Madam Inutz, makulit na video ang umano'y reaksyon sa 'rebelasyon' ni Wilbert Tolentino

- Isang makulit na video ang naging reaksyon umano ni Madam Inutz sa 'rebelasyon' ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino

- Aniya, napuyat siya tulad ng marami sa video na inilabas ni Wilbert noong gabi ng Oktubre 23

- Ilang minuto matapos na mailabas ang naturang video, agad namang naglabas ng pahayag ang sinasabing tinutukoy sa video na si Zeinab Harake

- Sinundan din umano ito ng mga video ng paglalabas ng saloobin nina Toni Fowler at Sachzna Laparan na nadawit ang mga pangalan sa rebelasyon ni Wilbert

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Maging si Madam Inutz ay napuyat umano sa panonood ng video ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino.

Madam Inutz, makulit na video ang reaksyon sa umano'y 'rebelasyon' ni Wilbert Tolentino
Sina Wilbert Tolentino, Madam Inutz at Herlene Budol (@daisyinutz)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ito ay tungkol umano sa mga rebelasyon ng kanyang manager kung saan ang pinatutungkulan ay si Zeinab Harake na kapwa nila vlogger.

Read also

Wilbert Tolentino, sinabing threatened umano si Zeinab kina Madam Inutz at Herlene

Isang makulit na video ang nagmistulang reaksyon ni Madam Inutz sa kontrobersyal na patutsadahan kung saan makikitang maitim na raw ang kanyang mga mata sa puyat dahil tinapos nila ang panonood sa pahayag ng kanyang Sir Wil.

"... Rebelasyon yan, pinuyat ako. Isa din ba kayo sa mga tumapos?" pabirong pahayag ni Madam Inutz kasama ng maiksing video niya na aakalain mong wala pang tulog.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Oktubre 23 ng gabi nang gumulantang sa publiko ang mabilis na nag-viral na video ni Wilbert Tolentino na may pamagat na "Ang rebelasyon."

Ito umano ay may kaugnayan sa ingay nila ngayon sa social media ng kanyang kapwa vlogger na si Zeinab Harake.

Maanghang ang mga naging paratang umano ni Wilbert kay Zeinab gayung suportado raw ang kanyang mga sinabi ng mga screenshots na nagpapatunay na totoo ang kanyang mga sinasabi.

Read also

Wilbert, kalahating milyon umano ang na-sponsor sa intro ng YT channel ni Zeinab

Agad namang naglabas ng reaksyon si Zeinab sa naturang video at pinabulaanan ang mga sinabi ng tinatawag niyang 'Ma' na si Wilbert. Lalo na ang kalahating milyong piso na bigay umano ni Wilbert para sa kanyang YouTube channel intro.

Samantala, isa sa mga pangalang nabanggit ni Wilbert sa kanyang kontrobersyal na video ay ang alaga niyang si Madam Inutz. Aniya, hindi raw nakikipag-collab si Zeinab kay Madam Inutz dahil 'threatened' daw ito sa komedyante gayundin sa isa pa niyang alaga na si Herlene Budol.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel