Ogie Diaz, concern sa kapansin-pansin umanong pamamaos ni Kuya Wil; " Kasi nahahalata na"

Ogie Diaz, concern sa kapansin-pansin umanong pamamaos ni Kuya Wil; " Kasi nahahalata na"

- Nagbigay suhestyon si Ogie Diaz sa umano'y kapansin-pansin na pamamaos ni Willie Revillame

- Napapag-usapan ng marami ang boses nito at pagsasalita na tila garalgal na umano at kinakain na raw minsan ang nasasabi

- Mainam daw na magkaroon ito ng co-host nang sa gayon, hindi raw mauubos ang enerhiya at boses nito

- Nilinaw ni Ogie na concern lamang umano siya kay Willie na baka hindi lamang ito masabihan ng ibang tao ukol dito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa mga napag-usapan nina Ogie Diaz, Mama Loi at Dyosa Pockoh sa kanilang channel ay ang tungkol sa napapansin na umano ng marami na pagkapaos ni Willie Revillame.

Ogie Diaz, concern sa kapansin-pansin umanong pamamaos ni Kuya Wil; " Kasi nahahalata na"
Ogie Diaz, concern sa kapansin-pansin umanong pamamaos ni Kuya Wil; " Kasi nahahalata na"
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na nagbigay suhestyon si Ogie na sana'y kumuha na ng co-host si Willie na talagang kasaluhan niya ng linya sa pag-host.

Read also

Ogie Diaz sa umano'y naging reaksyon ni Willie Revillame; "E ganun talaga e, ikaw 'yung napapanood"

"Kasi nahahalata na ah... Garalgal na 'yung boses niya. Tapos paminsan-minsan, paminsan-minsan lang naman, hindi malinaw 'yung mga words na lumalabas sa bibig niya," ani Ogie D.

"'Yung pagbasa niya,medyo kinakain na niya yung mga salita. Eto constructive 'ha. Baka kasi hindi rin masabi ng iba o nahihiya na sabihin kay kuya wil. Baka natatakot sila kay Kuya Wil, baka mawalan ako ng trabaho, 'pag diniretso natin si Kuya Wil," dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Paglilinaw niya, concern lamang sila kay Kuya lalo na at walang may lakas nang loob na pumuna nito sa kanya.

"Nagsasalita tayo ngayon kasi concern tayo. Kung hindi tayo concern kay Kuya Wil, pupurihin ko siya ng pupurihin. Hanggang sa mga tao na ang makapansin na 'hala, bakit ganon na si Wil? wala nang boses, nagso-show pa rin," ayon pa sa kanya.

Read also

Vice Ganda, inamin na gusto niyang magkaroon ng sariling anak

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake". Naging manager din siya ng mga sikat na artista katulad ni Liza Soberano.

Sa ngayon, pinakakaabangan ng maraming netizens ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel