Ogie D, sinabing baka absent sa Senado si Chiz para di matanong ukol kay Heart

Ogie D, sinabing baka absent sa Senado si Chiz para di matanong ukol kay Heart

- Naibahagi ni Ogie Diaz na hindi pala umano nagpapapasok sa senado si Senator Chiz Escudero

- Ito raw ay may kaugnayan sa maugong na isyu umano nila ni Heart Evangelista

- Naiintindihan pa raw nga umano ito ng mga kasama niya sa senado dahil baka dumugin pa raw ito ng mga reporters

- Kaya naman ang naturang pag-iwas na ito ay tila nangangahulugang may katotohanan ang napababalitang hiwalay na umano sila ni Heart

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Tahasang naikwento ni Ogie Diaz na hindi na raw muna nagpapapasok sa senado si Senator Chiz Escudero.

Sen. Chiz, absent sa senado, umano'y umiiwas na matanong ukol kay Heart ayon kay Ogie D
Heart Evangelista (@iamhearte)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na sinasabing may kaugnayan umano ito sa isyu ng hiwalayan nila ni Heart Evangelista.

Matatandaang kamakailan, naging maugong ang bali-balitang ito na sinundan naman ng kabi-kabilang mga cryptic post ni Heart.

Ito rin umano ang rason kung bakit tila minabuti umano ni Chiz na hindi na muna magparamdam sa publiko maging sa senado kung saan maari raw itong madumog ng mga katanungan ukol sa hiwalayan.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Hindi raw nagpapapasok si Chiz oo sa senado. Dahil feeling daw ng mga nasa senado, naiintidihan nila si Chiz bakit hindi ito nagpapapasok. E baka pagkaguluhan daw ng mga reporter at itanong sa kanya si Heart. Kaya hindi raw nagpapasok si Chiz lately. Ilan na raw 'yung absence," pagbabahagi ni Ogie D.

Sinegundahan naman umano ito ni Mama Loi at sinabing kung uwiiwas ang senador na matanong, malaki raw ang posibilidad na totoo ang isyu.

"Feeling ko may katotohanan 'yun," ani Ogie D na nasabing staff pa umano ni Chiz ang itinuturong dahilan ng pagkakalabuan ng dalawa.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Ogie Diaz Showbiz Update YouTube channel:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake".

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Samantala, maging si Cristy Fermin ay nagbigay ng payo kay Heart Evangelista patungkol umano sa mga naibabahagi nito sa social media na tila naiuugnay umano sa maugong na hiwalayan nila ni Chiz Escudero.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel