Cristy Fermin, sa kontrobersiya ni Herlene Budol; "Madaling lumaki ang ulo ng batang ito"

Cristy Fermin, sa kontrobersiya ni Herlene Budol; "Madaling lumaki ang ulo ng batang ito"

- Nagbigay komento si Cristy Fermin patungkol sa kontrobersiyang kinahaharap ngayon ni Herlene Budol

- Ito ay dahil sa pagtanggap umano ng kontrata sa GMA gayung inalok din pala siya 'di umano ni Willie Revillame sa AMBS network

- Lumalabas na tila wala umanong utang na loob na si Herlene base sa ginawa niyang ito kung saan marami ring komento ang naipukol sa kanya

- Maging si Cristy ay nakakapansin umano ng pagbabago kay Herlene mula nang magkaroon ng korona

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa mga maiinit na napag-usapan nina Cristy Fermin, Morly Alinio at Romel Chika ang tungkol sa umano'y isyu na kinakaharap ngayon ni Herlene "Hipon Girl" Budol.

Cristy Fermin, sa kontrobersiya ni Herlene Budol; "Madaling lumaki ang ulo ng batang ito"
Herlene Budol (Photo: Wilbert Tolentino)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na patungkol umano ito sa pagpirma sa GMA ng Binibining Pilipinas 1st runner-up gayung inalok pala ito ng taong nakadiskubre sa kanya na si Willie Revillame sa AMBS network.

Ayon kina Cristy, lumalabas umano na walang utang na loob daw si Herlene sa ginawa niyang ito gayung kung hindi dahil kay Willie at sa show nitong 'Wowowin' ay hindi magkakaroon ng 'Hipon Girl.'

Kung sana raw ay pinaliwanag ng mabuti ni Herlene ang nangyari, masasabi ni Cristy na mauunawaan naman ito ni Willie.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Hindi niya siguro alam dito sa Philippine showbiz na 'pag ikaw ay natatakan na ng kawalan ng utang na loob. Bababa at bababa ang imahe mo," ani Cristy. "Saka hindi marunong tumanaw ng utang na loob ito," dagdag pa niya.

Base umano sa mga isyu na ito ni Herlene, tila may nakikita si Cirsty na hindi magandang mangyayari sa career nito.

"May kakaiba, mayroon akong tulis na nakikita sa kanyang pagsasalita. Hindi laging nakakaaliw ang nagkokomedya na artista kung minsan we read between the lines. Kasi yung pagbasa natin sa pagitan ng kanilang mga salita, doon natin makikita kung anong klaseng tao ito," paliwanag niya.

"Ito sinasabi ko ngayon, magkakaroon ng problema ang manager niya kay Herlene. Maniwala ka," matapang na pahayag ni Cristy.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa YouTube channel nilang Showbiz Now Na!:

Si Cristy Fermin isa sa mga respetadong showbiz reporter sa Pilipinas. Sa loob ng ilang dekada, pinangunahan niya ang iba't ibang mga talk shows kung saan masasagap ang mga latest showbiz chika.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang kanyang pagbabahagi ng pinakabagong balita sa entertainment scene ng bansa sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez.

Samantala, taliwas sa mga naging komento ni Cristy Fermin, todo puri naman si RR Enriquez kay Herlene Budol. Ito ay dahil umano sa pagiging totoo nito at sa kahanga-hangang pagkamit nito ng tagumpay na bunga ng kanyang pagsisikap at determinasyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel