Whamos Cruz, niregaluhan ng bagong sasakyan si Antonette sa kanilang 14th monthsary

Whamos Cruz, niregaluhan ng bagong sasakyan si Antonette sa kanilang 14th monthsary

- Sinorpresa ni Whamos Cruz ang kanyang girlfriend na si Antonette Gail sa pagdiriwang ng kanilang ika-14 na buwan bilang magkarelasyon

- Bukod sa bouquet ng bulaklak, balloons, tarpaulin at cake, sinorpresa din ni Whamos si Antonette ng isang bagong sasakyan

- Hindi naman napigilang maiyak ni Antonette nang ipakita na ni Whamos ang kanyang regalo

- Nagpasalamat ito sa kanyang boyfriend at hindi niya maitago ang kanyang kasiyahan sa natanggap na sorpresa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naging emosyonal si Antonette Gail nang ipakita ni Whamos Cruz ang kanyang regalo para sa girlfriend sa kanilang pagdiriwang ng ika-14 na buwan bilang magkasintahan. Bukod sa bouquet ng bulaklak, balloons, tarpaulin at cake, sinorpresa din ni Whamos si Antonette ng isang bagong sasakyan.

Whamos Cruz, niregaluhan ng bagong sasakyan si Antonette sa kanilang 14th monthsary
Whamos Cruz, niregaluhan ng bagong sasakyan si Antonette sa kanilang 14th monthsary (Whamoscruz)
Source: Facebook

Bago tuluyang ipakita ni Whamos ang sasakyan, tinanong niya muna si Antonette kung ano ang wish niya. Ani Antonette, wish niya na sana umano ay marami pa silang ma-achieve sa buhay nila.

Read also

Rendon Labador, hindi na umano hahawak ng bola kapag natalo ni Marc Pingris

Ayon kay Whamos, matagal niyang pinag-ipunan ang para sa sorpresa niya para kay Antonette.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Whamos Cruz ay isang TikTok at YouTube content creator at isang social media star. Bukod sa kanyang mga viral video sa social media, nag-viral din ang kanyang pagsali sa Idol Philippines kung saan kinaaliwan siya ng mga judges. Matatandaang nakilala ang dalawa nang umabot sa programa ni Raffy Tulfo ang sumbong ng ina ni Antonette. Kaugnay ito sa pagtira umano ni Antonette kasama si Whamos. Tinutulan ito ng kanyang ina.

Kamakailan ay nilinaw nina Whamos at Antonette Gail scripted ang vlog nila kung saan bumili si Antonette ng regalo para kay Whamos. Gayunpaman, iyon lamang daw ang scripted video nila at pawang totoo umano ang pinapakita nila sa iba nilang videos. Inamin nilang naroroon din daw si Whamos nang namili si Antonette dahil kailangan din daw siya para sa sukat ng sapatos.

Sa naunang ulat ng KAMI, inanunsyo na ng vlogger couple na sina Whamos at Antonette Gail na magkakaroon na umano sila ng baby. Ipinakita ni Antonette ang dalawang pregnancy test na pareho ang resulta na nagdadalang-tao nga siya. Ayon naman kay Whamos, pinag-isipan talaga nila ito at siniguro munang maayos ang kanilang pamumuhay para sa magiging anak

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel