Vince Flores, sinabing hindi siya dapat kaawaan dahil sa content na ginagawa ni Toni Fowler

Vince Flores, sinabing hindi siya dapat kaawaan dahil sa content na ginagawa ni Toni Fowler

- Ayon kay VInce Flores, hindi naman daw siya dapat kaawaan kagaya ng mga sinasabi ng ilang netizen

- Kaugnay ito sa mg content na ginagawa ng kanyang girlfriend na si Toni Fowler kung saan nakakasama pa nito ang kanyang mga ex

- Aniya, ayos lang naman sa kanya yung ganoong content at open minded naman siya kaya walang dapat na maging isyu

- Dagdag pa niya, lagi lang siyang nakasuporta sa kanyang jowa sa mga bagay na ginagawa nito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa huling bahagi ng YouTube video ni Vince Flores, nilinaw niya na hindi dapat siya kaawaan dahil sa mga ginagawang content ni Toni Fowler kung saan nakakasama nito ang kanyang mga ex. Aniya, ayos lang naman sa kanya yung ganoong content at open minded naman siya kaya walang dapat na maging isyu.

Read also

Toni Fowler at Lai Austria, nagpagalingan kung sino ang mas nakakakilala kay Rob Moya

Vince Flores, sinabing hindi siya dapat kaawaan dahil sa content na ginagawa ni Toni Fowle
Vince Flores, sinabing hindi siya dapat kaawaan dahil sa content na ginagawa ni Toni Fowler (Screenshot from TiTo Vince/YouTube)
Source: Instagram

Sinabi niya din na handa siyang sumuporta lagi sa kanyang girlfriend sa mga bagay na ginagawa nito. Sa naturang video ay kasama ni Toni ang ex niyang si Rob Moya at ang babaeng naging karelasyon ni Rob noong panahong nagkalabuan sila.

Mismong si Toni ang nagdala kay Lai Austria sa bahay ni Rob para makapag-ayos ang dalawa.

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito. Hiling ni Toni Fowler na sana ay huwag siyang husgahan sa pagpapatawad niya sa kanyang ex.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel