Alex Gonzaga, nagbahagi ng pregnancy journey sa vlog “My Pregnant Life”

Alex Gonzaga, nagbahagi ng pregnancy journey sa vlog “My Pregnant Life”

  • Ibinahagi ni actress at content creator Alex Gonzaga ang kaniyang pregnancy journey sa latest YouTube vlog na “My Pregnant Life,” kung saan ikinuwento niya ang mga naging karanasan mula sa huling bahagi ng second trimester hanggang sa kaniyang panganganak
  • Sa vlog, sinabi ni Alex na kinailangan niyang mag-total bed rest noong huling bahagi ng Hunyo matapos matuklasang may maliit na opening sa kaniyang cervix, kaya sinulit niya ang kaniyang panahon ng pahinga habang sinusunod ang mga pangangailangan ng kaniyang katawan
  • Pagsapit ng Hulyo at pagsisimula ng kaniyang third trimester, nalaman naman ni Alex na mayroon siyang gestational diabetes, dahilan para regular niyang bantayan ang kaniyang blood sugar bago at pagkatapos kumain
  • Sa bandang huli ng vlog, kinumpirma ni Alex na nakapanganak na siya noong unang bahagi ng Agosto, matapos nilang ibahagi ni Mikee Morada noong Mayo ang kanilang pagbubuntis kasunod ng tatlong pregnancy loss

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Nagbahagi si Alex Gonzaga ng mas detalyadong kuwento tungkol sa kaniyang pagbubuntis at mga pinagdaanan bago niya tuluyang maisilang ang kanilang anak ni Mikee Morada.

Read also

Angelica Jones, “na-offend” sa cover version ng “Miss Flawless” ni Sachzna Laparan

Alex Gonzaga, nagbahagi ng pregnancy journey sa vlog “My Pregnant Life”
Alex Gonzaga, nagbahagi ng pregnancy journey sa vlog “My Pregnant Life” (📷Alex Gonzaga Official/YouTube)
Source: Youtube

Sa latest YouTube vlog niyang “My Pregnant Life,” binalikan ng actress at content creator ang mga pangyayari mula sa huling bahagi ng kaniyang second trimester hanggang sa panganganak noong Agosto.

Isa sa mga unang detalyeng ibinahagi ni Alex ay ang kaniyang bed rest noong huling bahagi ng Hunyo. Ayon sa kaniyang vlog, kinailangan niyang mag-total bed rest matapos matuklasang may maliit na opening sa kaniyang cervix.

Sa panahong iyon, mas pinili niyang magpahinga at bigyan ng sapat na oras ang kaniyang katawan. Ibinahagi rin niya ang ilang simpleng karanasan habang nasa bahay, kabilang ang kaniyang mga food cravings.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Kabilang sa mga pagkaing nakain niya ang kare-kare na ibinigay umano sa kaniya ng kaniyang kapitbahay na si Pauleen Luna-Sotto.

Pagsapit naman ng Hulyo, kasabay ng pagsisimula ng kaniyang third trimester, isang panibagong kondisyon ang nalaman ni Alex.

Nalaman niyang mayroon siyang gestational diabetes, kaya kinailangan niyang regular na subaybayan ang kaniyang blood sugar bago at pagkatapos ng pagkain.

Read also

Ivana Alawi, nagsalita ukol sa pambabatikos sa kaniyang kamakailang relief operation

Ang gestational diabetes ay isang uri ng diabetes na maaaring magkaroon habang nagbubuntis. Ayon sa Johns Hopkins Medicine, karaniwan itong pansamantala at inaasahang nawawala matapos manganak.

Bukod sa mga naging hamon sa kaniyang pagbubuntis, ipinakita rin sa vlog ang mga ordinaryong sandali ni Alex kasama ang kaniyang asawang si Mikee. Kabilang dito ang kanilang pagsasalo sa pagkain at mga sandaling kumakanta sila para sa kanilang baby.

Sa pagtatapos ng vlog, kinumpirma ni Alex na nakapanganak na siya noong unang bahagi ng Agosto. Hindi man detalyado ang lahat ng bahagi ng panganganak sa vlog, ipinakita nito ang naging paglalakbay niya mula sa mga huling buwan ng pagbubuntis hanggang sa pagiging ina.

Mas naging espesyal ang pagbubuntis nina Alex at Mikee dahil bago nila ibahagi ang magandang balita, nakaranas ang mag-asawa ng tatlong pregnancy loss.

Noong Mayo, inanunsyo ng mag-asawa na naghihintay sila ng kanilang anak. Ang balitang ito ay sinalubong ng mga tagasuporta nila matapos ang mga nauna nilang karanasan sa pagbubuntis.

Ikinasal sila Alex at Mikee naman noong 2021. Sa mga sumunod na taon, naging bahagi ng kanilang social media presence ang mga kuwento tungkol sa kanilang pagsasama at buhay bilang mag-asawa.

Read also

Bea Borres, nanawagan ng tulong para sa pamilya ni Kuya Alex

Bago pa man makumpirma ang panganganak ni Alex, naging usap-usapan na rin online ang kaniyang maternity photos at ang kaniyang pagbubuntis.

Bago ang kaniyang panganganak, naging usap-usapan ang maternity photos ni Alex Gonzaga. Sa ulat ng KAMI, napansin ng mga netizen ang kaniyang pagbubuntis habang ibinahagi niya ang mga larawan bilang bahagi ng kaniyang journey bilang soon-to-be mother. Naging bahagi rin ito ng mga update niya habang papalapit ang kaniyang due date.

Samantala, iniulat din ng KAMI ang balita tungkol sa panganganak ni Alex matapos nilang harapin ni Mikee ang tatlong pregnancy loss. Ayon sa ulat, ligtas umano siyang nakapanganak at naging bagong yugto ito para sa mag-asawa matapos ang kanilang mga pinagdaanan. Ang kaniyang latest vlog ay nagbigay naman ng mas malawak na sulyap sa mga nangyari bago siya tuluyang naging ina.

Sa kaniyang “My Pregnant Life” vlog, mas naibahagi ni Alex ang personal na bahagi ng kaniyang pregnancy journey, kabilang ang mga pagbabagong kinailangan niyang pagdaanan habang papalapit ang pagsilang ng kanilang baby.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: