Jennica Garcia, nagbigay ng mensahe tungkol sa pagiging handa sa tamang panahon

Jennica Garcia, nagbigay ng mensahe tungkol sa pagiging handa sa tamang panahon

  • Ibinahagi ni Jennica Garcia ang kaniyang pananaw tungkol sa pakikipagkaibigan sa mga lalaki at sinabi niyang hindi siya nagma-maintain ng male friends dahil nais niyang maging maingat sa pakikitungo at sa posibilidad ng isang seryosong relasyon
  • Ayon kay Jennica, naging mas maingat siya matapos ang isang nakaraang karanasan kung saan naging komportable ang kaniyang mga anak sa isang lalaking bahagi ng kanilang buhay ngunit hindi rin nauwi sa relasyon ang kanilang pagsasama
  • Sinabi rin ng aktres na agad niyang kino-call out ang isang lalaki kapag napapansin niyang nagiging regular na ang mga kilos na maaari niyang ituring na higit pa sa simpleng pagkakaibigan, gaya ng araw-araw na pagbati sa umaga
  • Sa kabila nito, sinabi ni Jennica na inaalagaan niya ang kaniyang sarili habang hinihintay ang lalaking nakalaan para sa kaniya, at ipinagdarasal niyang maging isang babaeng kayang maging malaking suporta at comfort sa magiging asawa niya

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Nagbahagi si Jennica Garcia ng kaniyang pananaw tungkol sa pakikipagkaibigan sa mga lalaki, pag-ibig at paghahanda para sa kaniyang future husband.

Read also

Xian Gaza, naglabas ng mahabang mensahe kay Jelai Andres tungkol sa isyu kay Badger at Yumi

Jennica Garcia, nagbigay ng mensahe tungkol sa pagiging handa sa tamang panahon
Jennica Garcia, nagbigay ng mensahe tungkol sa pagiging handa sa tamang panahon (đź“·Jennica Garcia/Facebook)
Source: Instagram

Sa kaniyang pahayag, sinabi ng aktres na hindi siya nagma-maintain ng male friends dahil ayaw niyang magkaroon ng sitwasyon kung saan magiging komportable siya sa isang lalaki nang hindi malinaw kung saan patutungo ang kanilang relasyon.

“I don't maintain male friends. I'm so in love with my future husband I haven't even met yet...”

Ibinahagi rin ni Jennica na mas naging maingat siya sa pagpapakilala ng mga lalaki sa kaniyang dalawang anak dahil sa isang karanasan sa nakaraan na hindi niya madaling nakalimutan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon sa aktres, nagkaroon siya noon ng isang taong naging malapit sa kaniyang mga anak. Kalaunan, naging komportable na rin umano ang mga bata sa lalaki ngunit hindi nag-work out ang kanilang relasyon.

Dahil dito, sinabi ni Jennica na napaisip siya kung bakit niya hinayaang magkaroon ng panibagong emotional attachment ang kaniyang mga anak sa isang taong kalaunan ay mawawala rin sa kanilang buhay.

“Dalawa na kasi yung anak ko. Nagkaroon ng instance in the past na meron akong napakilaka sa kids ko. And then, they've become so comfortable to that man and in the end hindi naman siya nag-work out tapos na-realize ko anong ginawa ko sa mga anak ko. Why did I give them another heartbreak. Why did I do that, Jennica nag-isip ka ba?”

Read also

Sachzna Laparan, nagbigay-linaw sa kaniyang ugnayan kina Jelai at 'Y'

Ibinahagi rin niya na mas matagal umano siyang naka-recover mula sa naturang karanasan.

“Ang tagal kong nag-heal from it mas matagal pa sa nung nahiwalay ako...”

Dahil dito, mas naging malinaw para kay Jennica ang mga limitasyong nais niyang itakda sa pakikitungo sa mga lalaki.

Diretsahan din ang aktres sa kaniyang pakikitungo kapag nararamdaman niyang maaaring lumampas sa simpleng pagkakaibigan ang atensiyon ng isang lalaki.

“Please don't make me look romantically attractive to a man who is not your true follower. Madaling rumelasyon...pag one week ka ng naggo-goodmorning ico-call out na kita.”

Ipinaliwanag niya na ayaw niyang maging komportable sa isang lalaki sa paraang maaari siyang masanay sa presensya nito.

“I'm a woman, don't make me comfortable wag mo akong dalhin sa lugar na hahanap-hanapin ko ikaw. Friends don't do that.”

Para kay Jennica, mahalaga ring malinaw sa isang lalaki ang responsibilidad na kasama ng pakikipagrelasyon sa kaniya, lalo na bilang ina ng dalawang anak.

Read also

Jelai Andres, nilinaw ang kaniyang panig sa muling pag-usbong ng isyu

“I tell them, being in a relationship with me would entail you being a father of my children that's something that scares them.”

Ayon sa kaniya, may mga pagkakataong nais ng isang lalaki ang mga benepisyo ng pagiging boyfriend niya ngunit hindi handang tanggapin ang mga responsibilidad na kasama nito.

“You want the perks of me being your girlfriend but you don't want the responsibility that comes with me being my partner.”

Sa kabila ng kaniyang pagiging maingat sa pakikipagkaibigan, hindi naman isinara ni Jennica ang posibilidad ng isang bagong relasyon.

Sa halip, sinabi niyang nais niyang gamitin ang panahon upang alagaan ang kaniyang sarili at maging handa para sa lalaking makakasama niya sa hinaharap.

“Ang pinagdadasal ko, is Lord please equip me to be a woman who is capable of being a man's comfort.”

Inamin din niyang maaaring hindi pangkaraniwan para sa iba ang kaniyang pananaw, ngunit malinaw umano sa kaniya ang nais niyang ihanda para sa magiging asawa.

“And I would know it would look crazy, but you know I'm so in love with my future husband I haven't even met yet.”

Read also

Bela Padilla, nagbahagi ng pinagdaanan matapos ang sunod-sunod na pagsubok

Dagdag pa niya, nais niyang maging handa sa oras na dumating ang taong para sa kaniya.

“You don't know how much I'm taking good care of myself just so when God gives me you, I am someone capable of being your greatest comfort.”

Bilang aktres at ina, naging bahagi na rin ng mga pagbabahagi ni Jennica sa publiko ang kaniyang mga karanasan tungkol sa pamilya, trabaho, pagiging ina at personal na paglalakbay.

Sa pagkakataong ito, mas nakatuon ang kaniyang mensahe sa pagtatakda ng boundaries, pag-iingat sa kaniyang mga anak at paghahanda para sa isang seryosong relasyon.

Hindi naman tinukoy ni Jennica kung sino ang magiging future husband na tinutukoy niya, ngunit malinaw sa kaniyang pahayag na nais niyang maging handa bago muling pumasok sa isang relasyon.

Kamakailan ay naging emosyonal si Jennica Garcia nang ibahagi niya ang isang karanasan tungkol sa kaniyang unang panahon sa GMA. Sa naturang ulat, sinabi niyang “Iyak talaga ako sa cubicle” habang inaalala ang isang panahong nakaramdam siya ng hiya at hirap sa kaniyang career. Naging bahagi ito ng mas personal niyang pagbabahagi tungkol sa kaniyang mga pinagdaanan bilang artista.

Read also

Rosmar Tan, nag-upgrade sa parcel job: minimum rate garantisado

Samantala, nagsalita rin si Jennica tungkol sa kaniyang pananaw sa mga batang artista at sa mga bagay na nakikita niyang maaaring pagmulan ng frustration sa industriya. Ipinaliwanag niya ang kaniyang saloobin tungkol sa mga young actors at sa mga hamon na maaaring maranasan nila habang nagsisimula pa lamang sa showbiz.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate