Bela Padilla, nagbahagi ng pinagdaanan matapos ang sunod-sunod na pagsubok
- Inamin ni Bela Padilla na matindi ang pinagdaanan niyang pagsubok nitong mga nagdaang buwan na nakaapekto sa kanyang pisikal at emosyonal na kalusugan at naging dahilan ng ilang beses na pagkakaospital
- Sa mediacon ng pelikulang “Life After You” ibinahagi niya ang mga detalye ng kontrobersiya sa isang proyekto kung saan isang beses na-late siya dahil sa emergency ngunit naging malaking isyu sa production
- Ayon kay Bela, nakatulong ang pelikula at ang mga usapan nila ng co-star na si Maricel Soriano upang muling maibalik ang kanyang pagmamahal sa acting at storytelling
- Nagkuwento rin siya ng suporta na natanggap mula sa mga tao sa kabila ng stress at hirap na naranasan, at nagpasalamat sa mga tumulong sa kanya sa panahon ng kahinaan
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Inamin ni Bela Padilla na dumaan siya sa isang mabigat na yugto nitong mga nakaraang buwan matapos maapektuhan ang kaniyang pisikal at emosyonal na kalagayan dahil sa stress na kaugnay ng isang naging kontrobersiya sa kaniyang trabaho.

Source: Instagram
Sa mediacon ng bago niyang pelikulang “Life After You,” ibinahagi ng aktres ang ilan sa mga pinagdaanan niya at kung paano nakatulong ang proyekto sa kaniyang pagharap sa mga nangyari.
Isa sa mga taong binanggit ni Bela na naging mahalaga sa kaniyang pagbabalik sa trabaho ay ang kaniyang co-star na si Maricel Soriano.
Ayon kay Bela, may mga bagay siyang muling naunawaan tungkol sa kaniyang propesyon habang kasama si Maricel sa pelikula.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
“She made me realize it is not always sunshine and rainbows in our profession. My whole life I treated this profession and job that way. And then it got challenging for a bit.
“But she made me realize why acting is important to us, why we love it so much, and why being a storyteller is important. She brought that back to me,”
Sinabi rin ni Bela na marami siyang natutuhan tungkol sa kaniyang sarili at sa mga taong nakatrabaho niya dahil sa naging karanasan.
“It helped me learn a lot about myself and the people I worked with. I am not gonna lie, napaso talaga ako.”
Ayon pa sa aktres, umabot siya sa puntong natakot siyang muling magtrabaho sa isang set.
“I felt scared to be on set again. I did not want to do anything. I lost my fight. I felt this was so unfair. I did not want to say anything. Everything was easily refutable, even as simple as being late.”
Si Bela Padilla ay aktres, writer, producer at direktor na matagal nang aktibo sa Philippine entertainment industry. Bukod sa pag-arte, nakilala rin siya sa mga proyektong pinasok niya bilang manunulat at filmmaker, kabilang ang mga pelikulang naging bahagi ng kaniyang career sa mga nakaraang taon.
Ang kaniyang pinakahuling pagbabahagi ay kasunod ng mga nauna niyang pahayag tungkol sa mga isyung ibinabato sa kaniyang mga proyekto. Sa isang KAMI report, diretsahan din siyang tinanong tungkol kina Kim Chiu at Angelica Panganiban, ngunit pinili niyang hindi pag-usapan ang naturang usapin.
Sa isang artikulo ng Kami.com.ph, diretsahang tinanong si Bela tungkol sa isyu sa kanila nina Kim Chiu at Angelica Panganiban. Sa kanyang sagot, sinabi niyang ayaw na niyang pag-usapan ang naturang isyu at mas pinili niyang mag-focus sa kanyang mga proyekto.
Samantala, sa isa pang ulat ng Kami.com.ph, nagsalita si Bela tungkol sa mga isyung ibinabato sa kanyang mga proyekto. Ipinaliwanag niya ang kanyang panig at kung paano niya hinaharap ang mga kontrobersiya sa industriya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh


