Vice Ganda, may hirit kay Robin Padilla sa “It’s Showtime”
- Naging paksa ng biruan sa “It’s Showtime” si Sen. Robin Padilla matapos ihambing ni Vice Ganda ang outfit ni Vhong Navarro sa karakter ni Robin sa pelikulang “Maging Sino Ka Man”
- Nakipagsabayan naman sa biruan si Vhong at inimpersonate si Robin bago nagbigay ng hirit si Vice na tumukoy sa isang kontrobersiyal na pahayag na naungkat online
- Kabilang sa binanggit ni Vice ang pagiging mambabatas ni Robin at ang isang dating pahayag tungkol sa paggawa ng batas habang nasa Bilibid, na naging usap-usapan noon
- Wala pang inilalabas na reaksiyon sina Robin at Mariel Rodriguez-Padilla tungkol sa naging biro ni Vice, habang muling nabibigyang-pansin ang paglilinaw ni Mariel sa kaniyang 2022 vlog
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Hindi nakaligtas si Senador Robin Padilla sa pabirong hirit ng Unkabogable Star na si Vice Ganda sa ginanap na episode ng noontime show na It’s Showtime kasama ang kanyang co-hosts na sina Vhong Navarro at Jhong Hilario.

Source: Instagram
Sa ginanap na episode nitong Sabado, Agosto 15, napansin ni Vice Ganda ang outfit ni Vhong at pabirong inihambing ito sa naging karakter ng aktor at mambabatas sa tanyag na pelikulang Maging Sino Ka Man noong 1991 kung saan nakatambal nito ang Megastar na si Sharon Cuneta. Mabilis namang nakisakay si Vhong sa pamamagitan ng pag-impersonate sa boses at galaw ng senador sabay kanta ng sikat na theme song matapos hiritan ni Jhong.
Subalit mas nagmarka sa mga manonood at netizens ang sumunod na hirit ng komedyante na tila tumukoy sa pagiging senador ng dating action star. Saad ni Vice, "Ang galing. Magaling talaga ’to, idol ko 'to eh, nakakapagpasa 'yan ng batas sa Bilibid." Ang naturang pahayag ay nagdulot ng malakas na tawanan sa studio kasama ang iba pang mga host at mga audience.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ang naging hirit na ito ay nag-ugat sa nakalkal na vlog ng misis ng senador na si Mariel Rodriguez-Padilla noong 2022. Sa naturang video, iginiit ng misis nito na may kredibilidad ang kanyang mister dahil nakatapos ito ng Criminology at nagawang makapagsulong ng batas noong ito ay nakabilanggo pa.
Matapos makatanggap ng iba't ibang puna mula sa mga netizens, kamakailan lamang ay naglabas ng klaripikasyon si Mariel sa pamamagitan ng pagsasabing "Common sense is most uncommon." Ipinaliwanag niya na ang kanyang ibig sabihin ay ang karanasan ni Robin sa Bilibid ay nauugnay sa Republic Act 8294 ukol sa illegal possession of firearms na naipasa noong 1997, at hindi nangangahulugang opisyal itong nakaupo sa Kongreso upang mag-akda at bumoto.
Ibinahagi rin ng senador ang naging pahayag ng kanyang misis sa gitna ng mga puna ng publiko. Sa kasalukuyan, wala pang inilalabas na opisyal na reaksyon o tugon sina Mariel at Senador Robin Padilla ukol sa naging biro ni Vice Ganda sa pambansang telebisyon.
Si Vice Ganda ay isa sa mga pinakasikat na komedyante, TV host, at ginawaran ng maraming parangal sa larangan ng entertainment sa bansa. Siya ay nananatiling isa sa mga pangunahing haligi ng noontime show na It’s Showtime at nakilala sa kanyang matatalim at nakatutuwang komento sa iba't ibang pampublikong usapin.
Sa ngayon, wala pang opisyal na reaksyon sina Robin o Mariel tungkol sa naging biro ni Vice Ganda sa programa.
Kamakailan, pumirma si Vice Ganda ng bagong kontrata sa ABS-CBN at nag-anunsyo ng pasabog na proyekto. Ayon sa komedyante, patuloy siyang magbibigay ng saya sa mga manonood sa pamamagitan ng mga bagong segment at shows.
Nilinaw din ni Vice Ganda ang dahilan ng kanyang ilang araw na pagkawala sa “It’s Showtime.” Ayon sa kanya, ito ay dahil sa personal na pahinga at hindi sa anumang isyu sa programa.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh


