Update ni Ivana Alawi kay Tatay Jesus, umantig sa marami

Update ni Ivana Alawi kay Tatay Jesus, umantig sa marami

  • Ibinahagi ni Ivana Alawi ang masayang kalagayan ni Tatay Jesus isang taon matapos silang magkakilala sa isang vlog at magsimula ang kanilang espesyal na samahan
  • May sarili nang bahay, bukid, at mga alagang hayop si Tatay Jesus, mga pagbabagong itinuturing ni Ivana na katuparan ng dati nilang pinangarap para sa kanya
  • Nagpasalamat ang aktres at vlogger kay Tatay Jesus dahil tinanggap siya nito na parang kapamilya at nangakong ipagpapatuloy ang kanyang suporta
  • Maraming netizens ang naantig sa update at muling pinuri si Ivana dahil sa paggamit niya ng kanyang online platform upang makatulong sa ibang tao

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Masayang ibinalita ni Ivana Alawi ang magandang kalagayan ni Tatay Jesus, ang lalaking nakilala at tinulungan niya noong nakaraang taon.

Update ni Ivana Alawi kay Tatay Jesus, umantig sa marami
Update ni Ivana Alawi kay Tatay Jesus, umantig sa marami (📷Ivana Alawi/Facebook)
Source: Facebook

Sa kanyang Facebook post, ipinakita ni Ivana na mayroon nang sariling bahay, bukid, at mga alagang hayop si Tatay Jesus. Para sa aktres at content creator, tila natupad na ang mga pangarap na una nilang binuo para sa kanyang kinabukasan.

Read also

Toni Fowler, tinanggal na ang kanyang breast implants matapos ang 10 taon

Nagpasalamat din si Ivana kay Tatay Jesus dahil sa mainit nitong pagtanggap sa kanya bilang bahagi ng pamilya. Ipinangako niyang hindi matatapos sa isang proyekto lamang ang kanyang suporta at patuloy siyang aalalay sa lalaki.

Nagsimula ang kanilang pagkakaibigan nang magpanggap na buntis si Ivana para sa isang vlog. Habang humihingi siya ng tulong sa mga nakakasalubong sa kalye, isa si Tatay Jesus sa mga lumapit at nagpakita ng malasakit sa kanya kahit kapos din ito sa buhay.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Para kay Ivana, may dahilan kung bakit sila nagtagpo.

“Siya ang lumapit sa akin. Alam ko talaga na hindi ito coincidence, plano ni Lord,”

Kalaunan ay natagpuan din ng vlogger ang pamilya ni Tatay Jesus. Naging emosyonal ang muling pagkikita nito at ng kanyang mga kapatid, na itinampok sa isa sa mga vlog ni Ivana.

Nakatanggap din si Tatay Jesus ng video greeting mula sa kanyang idolong si Coco Martin. Nagbigay ang aktor ng mensaheng naglalayong palakasin ang kanyang loob habang nagsisimula ng panibagong yugto sa buhay.

Sinamahan naman ni Ivana si Tatay Jesus sa pag-uwi sa Bicol, kung saan ipinakita niya ang lupang binili bilang sorpresa. Nagkakahalaga umano ito ng P500,000 at nakapangalan kay Tatay Jesus upang matiyak na mananatili itong kanyang pag-aari.

Read also

Rosmar Tan, pumalag sa tsikang ipinalaglag umano ang kaniyang baby

Hindi lamang lupa ang ipinangako ni Ivana. Sinabi rin niyang tutulungan niya itong magpatayo ng bahay, mag-alaga ng mga hayop, magtanim, at magkaroon ng mapagkakakitaan.

“Ako ang bahala sa iyo sabihin mo sa akin ano ang kailangan natin para makagawa tayo ng bahay diyan. Tapos mag-lalagay pa tayo ng maraming hayop, tapos magtatanim tayo rito,”

Mahalaga kay Ivana ang pagkakaroon ng pamilya, kaya naging malapit sa kanyang puso ang kuwento ni Tatay Jesus.

“Pagdating sa pamilya ay iba siya sa akin, iba ang kurot sa puso kasi mahal na mahal ko ang pamilya ko, kahit mawala lahat sa akin huwag lang sila,”

Sa pinakahuling update, makikitang ang ilan sa mga planong iyon ay naisakatuparan na. Maraming netizens ang natuwa sa progreso ni Tatay Jesus at pinuri ang patuloy na pagtupad ni Ivana sa kanyang pangako.

Kilala si Ivana Alawi bilang aktres, modelo, at isa sa pinakasikat na content creators sa Pilipinas. Bukod sa kanyang entertainment at prank videos, tampok din sa kanyang channel ang pagtulong sa mga nangangailangan.

Sa isang kaugnay na ulat ng KAMI, naging usap-usapan ang pahayag ni Ogie Diaz matapos lumutang ang isyu tungkol sa pag-endorso ni Ivana Alawi. Tinalakay sa artikulo ang naging reaksiyon ng showbiz personality sa usaping nauugnay sa aktres.

Read also

Sarah Geronimo, ipinagdiwang ang 38th birthday kasama ang kanyang mga magulang

Naiulat din ng KAMI ang matapang na paalala ni Kara David matapos niyang makatabla si Ivana Alawi sa FAMAS. Naging sentro ng balita ang mensahe ng award-winning journalist kaugnay ng pagkilala at responsibilidad sa industriya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags:
Hot: