Arci Muñoz, ikinuwento ang proseso ng pagkuha ng Spanish citizenship at passport

Arci Muñoz, ikinuwento ang proseso ng pagkuha ng Spanish citizenship at passport

  • Ibinahagi ng aktres na si Arci Muñoz sa isang press conference na opisyal na niyang nakuha ang kanyang Spanish citizenship at passport sa tulong ng kwalipikasyon mula sa kanyang pumanaw na ama
  • Nabatid ng aktres sa kanyang pagbisita sa Spain na mula sa rehiyon ng Andalusia ang kanyang mga ninuno kung saan nakakita rin siya ng kalye na nakapangalan sa kanilang apelyido
  • Inamin ng Kapamilya star na kailangan niyang magsumikap na matutunan ang wikang Spanish bilang bahagi ng mga kinakailangan kahit na kasalukuyan din siyang nag-aaral ng Korean at Japanese
  • Isang malaking tulak din sa kanyang pagpunta roon ang panonood ng BTS concert sa Madrid na kalaunan ay humantong sa pagkakatuklas at pagka-reunite niya sa ilang kamag-anak sa Barcelona

Ibinahagi ni Arci Muñoz ang kanyang karanasan sa pagkuha ng Spanish passport at citizenship sa isang press conference na inorganisa ng Cornerstone Entertainment. Ayon sa aktres, matagal nang may karapatan ang kanilang pamilya dahil Spanish ang kanyang ama na may hawak ng Spanish passport bago ito pumanaw.

Read also

Klarisse De Guzman, may nakakaaliw na komento sa graduation post ni Angeline Quinto

Arci Muñoz, ikinuwento ang proseso ng pagkuha ng Spanish citizenship at passport
Arci Muñoz, ikinuwento ang proseso ng pagkuha ng Spanish citizenship at passport (📷@ramonathornes/IG)
Source: Instagram

Kwento ni Arci, ang kanyang kapatid ang nag-udyok na huwag palampasin ang pagkakataon. “Kasi ano, ‘di ba, nagkaroon ng amnesty ‘yung Spain… So, before he passed away, my sister was like, ‘Sayang naman if we’re not gonna avail it,’” aniya. Dahil dito, nagsimula ang proseso na nagdala sa kanya mismo sa Spain.

Sa kanyang pagpunta, natuklasan ni Arci na mula sa Andalusia ang kanilang mga lolo’t lola. Nakakita pa siya ng isang kalye na may apelyido nilang Muñoz, na doon pala ay binibigkas bilang Munyot. “So pagpunta ko doon, ‘No, your last name is Munyot,’” kwento niya.

Hindi naging madali ang proseso dahil kailangan niyang mag-aral ng Spanish bilang requirement. “Sabi ko, siyempre required din na mag-aral… But in my head, I’m studying Korean right now… Tapos favorite ko naman anime, kaya nag-aaral din ako mag-Japanese. Ano ba ‘yan? Required kami mag-aral ng Spanish,” aniya. Aminado si Arci na overwhelming ang karanasan lalo na nang makarating siya sa Spain at marinig ang wika sa paligid.

Read also

Lalaki sa Iloilo, nasawi sa pamamaril habang kasama ang anak sa kalsada

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nakilala rin niya ang ilang kamag-anak, kabilang ang isang tiyahin na nakatira sa Barcelona. Ang pagkuha ng mga papeles gaya ng marriage certificate ng kanyang grandparents ay naging bahagi ng proseso. Para kay Arci, sulit ang lahat ng paghihintay at pagod dahil nakonekta siya sa kanyang pinagmulan. “So, ‘yun, na-enjoy ko sobra. Parang, ‘Wow, ito na, I am connecting to my roots,’” aniya.

Si Arci Muñoz ay kilala bilang aktres, singer, at performer na bahagi ng Cornerstone Entertainment. Bukod sa kanyang showbiz career, aktibo rin siya sa iba’t ibang proyekto gaya ng skincare line at mga international tours. Ang kanyang pagkuha ng Spanish citizenship ay nagbigay ng bagong dimensyon sa kanyang personal na buhay at pagkakakilanlan.

Kamakailan, nagbahagi si Claudine Barretto ng sweet message sa isang surprise visit ni Arci Muñoz. Ang kanilang pagkikita ay ikinatuwa ng mga fans at nagpakita ng magandang samahan sa showbiz.

Read also

Julia Barretto, walang exclusive management ngunit bukas sa lahat ng oportunidad

Samantala, kinagiliwan din ng netizens ang isang video ni Arci Muñoz kasama sina Coco Martin at Julia Montes. Ang naturang video ay nagpakita ng masayang samahan ng mga artista at agad na nag-trending online.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate