Alfred Vargas at Yasmine, bigo sa apela laban sa dismissal ng kasong kanilang isinampa

Alfred Vargas at Yasmine, bigo sa apela laban sa dismissal ng kasong kanilang isinampa

  • Bigo sina Alfred Vargas at asawa niyang si Yasmine sa kanilang apela matapos ma-dismiss ng Manila City Prosecutor’s Office ang child ábuse complaint laban kina Rob Sy at Juvelle Bacosa
  • Ayon kay Vargas, binalewala ng mga piskal ang malinaw na testimonya ng mga saksi at psychiatric evaluation mula sa St. Luke’s Medical Center na nagsabing may Adjustment Disorder ang kanilang anak
  • Iginiit ng aktor-politiko na maling batas ang ginamit ng mga piskal, dahil tinrato umano ang kaso bilang simpleng bullying sa ilalim ng Anti-Bullying Act imbes na child ábuse sa ilalim ng RA 7610
  • Nanindigan si Vargas na ipaglalaban nila ang hustisya para sa kanilang anak at planong dalhin ang kaso sa Department of Justice para sa posibleng reversal ng ruling

Bigo sina Alfred Vargas at ang kanyang asawa na si Yasmine matapos ma-deny ang kanilang Motion for Reconsideration sa child ábuse complaint laban sa kapwa aktor na si Rob Sy at asawa nitong si Juvelle Bacosa.

Read also

Pokwang, ibinahagi ang reaksyon ng anak na si Malia sa tanong tungkol sa ama

Alfred Vargas at Yasmine, bigo sa apela laban sa dismissal ng kasong kanilang isinampa
Alfred Vargas at Yasmine, bigo sa apela laban sa dismissal ng kasong kanilang isinampa (📷Alfred Vargas/Facebook)
Source: Facebook

Sa isang pahayag na inilabas ni Vargas sa social media nitong Hunyo 12, sinabi niyang masakit para sa kanilang pamilya ang naging desisyon ng Manila City Prosecutor’s Office.

Ang reklamo ay nag-ugat sa insidente noong Abril kung saan umano’y binully ng anak ni Sy ang pitong taong gulang na anak nina Vargas sa isang swimming event sa Maynila. Dahil dito, nagsampa sila ng kaso sa ilalim ng Section 10(a) ng Republic Act No. 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ayon kay Vargas, hindi pinansin ng mga piskal ang malinaw na testimonya mula sa mga saksi at ang psychiatric evaluation mula sa St. Luke’s Medical Center na nagsabing may Adjustment Disorder ang kanilang anak. “We even submitted an official Psychiatric Evaluation Report… proving the severe trauma, anxiety, and deep fear he is carrying. Paano nilang nasabi na walang ebidensya?” dagdag niya.

Read also

Banyagang lalaki patay matapos barilin at nakawan sa Teresa, Rizal

Iginiit din ni Vargas na maling batas ang ginamit ng mga piskal. Sa halip na RA 7610, tinrato umano ang kaso bilang simpleng bullying sa ilalim ng RA 10627 o Anti-Bullying Act. “Maling-mali na idahilan na dahil ‘single incident’ lang ito at walang napatunayang ‘criminal intent’ ang mga magulang ay idi-dismis na ang kaso. Under RA 7610, child ábuse covers psychological and emotional maltreatment ‘whether habitual or not,’” paliwanag niya.

Sa kabila ng dismissal, nanindigan si Vargas na ipaglalaban nila ang hustisya para sa kanilang anak. “We will not back down. We will continue to fight for what is right and exhaust all available legal remedies, including elevating this matter to the Department of Justice,” aniya.

Samantala, tinanggap ni Rob Sy ang dismissal at iginiit na walang basehan ang mga alegasyon laban sa kanilang pamilya.

Si Alfred Vargas ay kilalang aktor at kasalukuyang konsehal ng Quezon City. Bukod sa kanyang karera sa showbiz, matagal na rin siyang aktibo sa politika. Ang kanyang asawa na si Yasmine ay matagal nang kasama sa mga pampublikong aktibidad ng pamilya.

Kamakailan, nag-apela si Alfred Vargas sa dismissal ng kanilang complaint laban kina Rob Sy. Ayon sa ulat ng Kami.com.ph, iginiit niyang mali ang naging desisyon ng mga piskal at binalewala ang ebidensya.

Sa isa pang artikulo, nagsalita si Rob Sy matapos madamay ang kanyang walong taong gulang na anak sa kaso. Ayon sa ulat ng Kami.com.ph, iginiit niyang biktima ang kanilang anak at walang basehan ang mga paratang laban sa kanila.

Read also

Presidente ng Ateneo naging emosyonal sa Senado, nagpaumanhin sa pamilya ng mga atleta

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate