Rhed Bustamante umaasa pa rin sa pagpapalabas ng pelikula tungkol kay Pepsi Paloma

Rhed Bustamante umaasa pa rin sa pagpapalabas ng pelikula tungkol kay Pepsi Paloma

  • Rhed Bustamante umaasa pa rin na maipalalabas sa mga sinehan ang pelikula niyang “The Rapists of Pepsi Paloma” kahit pansamantalang naantala ang showing dahil sa mga usaping legal
  • Aminado ang young actress na nalungkot siya dahil ibinigay nila ang lahat sa paggawa ng pelikula, ngunit naniniwala siyang makikita pa rin ng publiko ang buong kuwento ni Pepsi Paloma
  • Direk Darryl Yap, na nagdirek din ng “Love, Ngo”, ay kasalukuyang humaharap sa kasong cyberlibel matapos mabanggit ang pangalan ni Vic Sotto sa teaser ng pelikula
  • Sa kabila ng kontrobersiya, naninindigan si Direk Darryl at ang buong production na ipalalabas pa rin ang pelikula sa tamang panahon para sa mga curious na manonood

Patuloy pa ring umaasa ang young actress na si Rhed Bustamante na mapapanood ng publiko sa mga sinehan ang pelikula niyang “The Rapists of Pepsi Paloma”. Nakapanayam siya ng Bandera nang makasalubong sa premiere night ng “Love, Ngo” ni Jerald Napoles sa SM Megamall Cinema 2. Isa si Rhed sa mga personalidad na dumalo upang magbigay-suporta sa comeback movie ni Direk Darryl Yap, na siya ring nasa likod ng biopic tungkol sa yumaong actress na si Pepsi Paloma.

Read also

Ice Seguerra, ibinahagi ang tunay na pinagmulan ng “Pagdating ng Panahon”

Rhed Bustamante umaasa pa rin sa pagpapalabas ng pelikula tungkol kay Pepsi Paloma
Rhed Bustamante umaasa pa rin sa pagpapalabas ng pelikula tungkol kay Pepsi Paloma (📷Rhed Bustamante/Facebook)
Source: Instagram

Aminado si Rhed na nalungkot siya nang mabalitaang hindi muna maipalalabas ang kanilang pelikula.

Dagdag pa niya, bahala na raw si Direk Darryl at ang buong production sa mga usaping legal. Aware din si Rhed na marami pa ring nag-aabang sa pelikula at curious kung ano ba talaga ang kuwento ni Pepsi Paloma.

Samantala, si Direk Darryl Yap ay kasalukuyang humaharap sa kasong cyberlibel na isinampa ni Bossing Vic Sotto matapos mabanggit ang pangalan nito sa teaser trailer ng pelikula. Base sa resolusyon ng Muntinlupa City Prosecutor’s Office noong March 17, kinasuhan si Yap ng two counts of cyberlibel. “To be very honest, medyo personal din kasi siya, kasi yung mga boss natin sa Viva are friends with those people,” ani Direk Darryl.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Gayunpaman, naninindigan pa rin ang direktor na ipalalabas ang pelikula sa tamang panahon. “I want to show my film to the Filipino people. I don’t think I’ll be persuaded to keep it hidden. Basta gusto kong maipalabas ang pelikula namin,” dagdag pa niya.

Read also

Hiker sa Mt. Apo nilinaw ang tunay na nangyari sa pagbagsak sa White Sand area

Si Rhed Bustamante ay dating child star na nakilala sa iba’t ibang pelikula at teleserye. Sa kanyang paglaki, mas pinili niyang magpatuloy sa pag-arte at ngayon ay binigyan ng malaking papel bilang si Pepsi Paloma sa kontrobersyal na biopic ni Daryl Yap. Ang pelikula ay tumatalakay sa buhay ng namayapang sexy actress na naging bahagi ng showbiz noong dekada ’80.

Sa kabila ng kontrobersiya, nananatiling aktibo si Rhed sa showbiz. Kamakailan ay lumabas ang artikulo tungkol sa kanya sa Kami.com.ph kung saan ibinahagi niya ang espesyal na regalo mula kay Coco Martin noong Pasko. Ayon sa ulat, labis na natuwa ang aktres sa natanggap na regalo mula sa Kapamilya actor na matagal na niyang hinahangaan.

Bukod dito, naging usap-usapan din ang transformation ni Rhed mula sa pagiging child star hanggang sa kanyang pagdadalaga. Sa isang artikulo ng Kami.com.ph, agaw-pansin ang kanyang ganda at mas mature na aura na ikinatuwa ng mga rhe.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate