Coco Martin at Julia Montes, ibinahagi ang tawagan nilang “Nanay” at “Tatay”

Coco Martin at Julia Montes, ibinahagi ang tawagan nilang “Nanay” at “Tatay”

  • Nag-renew ng kontrata si Coco Martin bilang brand ambassador ng Republic Gas Corporation o Regasco, at ngayong taon ay kasama na niya si Julia Montes, kung saan mas kampante silang humarap sa media at nagkuwento ng kanilang buhay at relasyon
  • Ibinida ni Coco ang galing ni Julia sa pagluluto, na nag-aral pa sa apat na chef, at tinawag niya itong reyna ng kusina at reyna ng kanilang tahanan, dahil sa kakayahan nitong magpatakbo ng kanilang bahay at CCM Productions
  • Sa kaniyang pahayag, ibinahagi ni Coco ang adjustment bilang lalaki sa relasyon, na mas pinipili niyang manahimik at magbigay para sa ikasisiya ng kanilang pamilya, sabay banggit ng kasabihang “happy wife, happy life”
  • Samantala, si Julia naman ay nagpasalamat sa partner dahil sa pagbibigay-halaga sa kaniyang pagkababae, at ibinahagi na ang kanilang tandem ay perfect dahil sa teamwork, communication, at mutual respect sa isa’t isa

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Relaxed at confident sina Coco Martin at Julia Montes nang humarap sa media para sa renewal ng kontrata ni Coco bilang brand ambassador ng Republic Gas Corporation (Regasco) na ginanap sa EDSA Shangri-La. Ikatlong taon na ito ng aktor sa naturang LPG distributor, ngunit ngayong taon ay espesyal dahil kasama na niya si Julia.

Read also

Bong Revilla at Lani Mercado, emosyonal sa renewal of vows sa QC Jail

Coco Martin at Julia Montes, ibinahagi ang tawagan nilang “Nanay” at “Tatay”
Coco Martin at Julia Montes, ibinahagi ang tawagan nilang “Nanay” at “Tatay” (📷Real Coco Martin/Facebook)
Source: Facebook

Proud na proud si Coco sa partner, at ibinahagi niyang magaling magluto si Julia. Nag-aral daw ang aktres sa apat na chef, at kabisado pa niya kung kaninong chef pa nag-aaral si Julia. “Kaya ko sinasabi na siya ang reyna ng aming tahanan, bukod sa kusina,” ani Coco. Dagdag pa niya, natuto siyang mag-adjust bilang lalaki para maging masaya at tahimik ang kanilang bahay.

Ayon kay Coco, mas pinipili niyang manahimik kaysa makipagtalo.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Hindi lang sa kanilang tahanan, kundi pati sa CCM Productions ni Coco, si Julia na rin ang nagma-manage ng lahat. “Mas marami na siyang trabaho sa akin ngayon. Kasi lahat ng finances siya. Ako nasa creative lang,” ani Coco.

Habang nagsasalita si Coco, nakatingin lang si Julia na sobrang naa-amaze sa kaniyang partner.

Masaya ang dalawa dahil ito ang unang pagkakataon na nagsama sila sa isang endorsement. Sa sobrang kampante nila, tila wala silang takot na magbahagi ng mga detalye tungkol sa kanilang pamilya at magandang samahan. Ang tawagan pala nila ay “Nanay” at “Tatay,” bagay na lalong nagpakita ng closeness ng kanilang relasyon.

Read also

Kaye Abad, ibinahagi ang buong journey matapos maging cancer survivor

Si Coco Martin ay kilalang aktor at direktor na nagmula sa indie films bago sumikat sa mainstream. Siya rin ang nasa likod ng CCM Productions na gumagawa ng mga teleserye at pelikula. Samantala, si Julia Montes ay isa sa mga pinakasikat na aktres ng kaniyang henerasyon, na kilala sa mga drama series at pelikula. Matagal nang usap-usapan ang kanilang relasyon, ngunit mas pinili nilang maging pribado sa ilang aspeto ng kanilang buhay.

Kamakailan, naging viral ang vlog ni Julia Montes kung saan honest siyang nagkuwento tungkol sa working relationship nila ni Coco Martin. Sa ulat ng Kami.com.ph, maraming netizens ang natuwa sa pagiging totoo ng aktres at sa chemistry nilang dalawa.

Samantala, ibinahagi rin ni Coco Martin ang ginagawa ni Julia araw-araw na nagbago sa kaniya. Sa artikulo ng Kami.com.ph, sinabi ng aktor na malaking tulong ang mga simpleng bagay na ginagawa ng partner para sa kaniyang personal na growth.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate