Erwan Heussaff, walang issue sa love scenes ni Anne Curtis sa pelikula
- Ibinahagi ni Erwan Heussaff sa isang episode ng “Matte G. Primetime” na wala siyang issue sa mga love scenes ng misis na si Anne Curtis sa mga pelikula
- Ayon kay Erwan, sanay na siya dahil nakilala niya si Anne na gumagawa na ng mga pelikula at love scenes kasama ang iba’t ibang leading man
- Inamin niyang nagiging awkward lamang kapag nasa block screening sila at may kakilala siyang tumitingin sa kaniya tuwing ipinapakita ang eksena ng misis
- Nagkuwento siya ng karanasan sa screening ng “The Loved One” kasama si Jericho Rosales, kung saan biro niyang sinabi sa staff na huwag siyang titigan sa kissing scene
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Unbothered ang social media personality at chef na si Erwan Heussaff sa mga love scenes ng misis niyang si Anne Curtis sa mga pelikula. Sa isang episode ng “Matte G. Primetime” noong Sabado, Mayo 16, diretsahan niyang sinabi na wala siyang problema sa mga eksenang iyon. “Totally fine,” sagot ni Erwan. “I met Anne she was already doing all these movies.”

Source: Instagram
Dagdag pa niya, nagiging awkward lamang kapag nasa block screening sila at may kakilala siyang tumitingin sa kaniya tuwing ipinapakita ang love scene ng misis. Ikinuwento niya ang karanasan sa screening ng pelikulang “The Loved One” kung saan kasama ni Anne si Jericho Rosales. “And because it was a block screening, I told my whole staff before the movie started. I said, if during the kiss scene, 'cause I know there's a love scene here between Anne and Jericho, if anyone looks at me during this scene, you're fired,” lahad ni Erwan.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa huli, biro lamang ang kaniyang sinabi at hindi naman niya tinanggal sa trabaho ang staff. “So I was sitting there and I have a chef and the love scene happens. So he's like shifting. He goes, 'Big boss, big boss. I'm so angry, I'm so angry for you right now. I said, 'Thank you, that's what I asked you not to do.' I didn't fire him but, yeah, the only time gets awkward is when people try to look for your reaction,” dagdag pa niya.
Sa kasalukuyan, maglalabing-anim na taon nang nagsasama sina Anne at Erwan bilang couple. Nagsimula ang kanilang relasyon noong 2010 at ikinasal sila noong 2017 sa Queenstown, New Zealand matapos ang pitong taon bilang magkasintahan. Kilala si Erwan bilang chef, entrepreneur, at content creator na may malaking following sa social media, habang si Anne naman ay isa sa pinakasikat na aktres sa bansa.
Erwan Heussaff nagbigay ng matinding pahayag sa pagkakaibigan at politika, ibinahagi niya ang kaniyang pananaw sa kung paano dapat paghiwalayin ang personal na relasyon at usaping pampulitika. Maraming netizens ang pumuri sa kaniyang pagiging kalmado at balanseng pananaw.
Samantala, sa artikulong Erwan Heussaff ibinida ang storytelling skills ni Dahlia na kinagiliwan ng netizens, ipinakita niya ang talento ng anak nila ni Anne na si Dahlia sa pagsasalaysay ng mga kwento. Umani ito ng papuri at kilig mula sa mga netizens na natuwa sa pagiging hands-on na ama ni Erwan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

