Alvin Aragon, kinuwestyon ang motherhood views ni Vice Ganda

Alvin Aragon, kinuwestyon ang motherhood views ni Vice Ganda

  • Vice Ganda nagbahagi ng pananaw sa “It’s Showtime” tungkol sa tunay na esensya ng pagiging magulang at ang kahalagahan ng pagbibigay kaysa tumanggap
  • Aktor na si Alvin Aragon agad na kumontra sa social media at kinuwestyon ang karapatan ni Vice na magbigay ng payo tungkol sa buhay mag-asawa at pagiging magulang
  • Sa kanyang pahayag, iginiit ni Alvin na hindi maaaring magsalita si Vice tungkol sa motherhood dahil hindi siya magiging tunay na ina o asawa
  • Dagdag pa ni Alvin, ang Diyos lamang ang nagbibigay ng buhay at walang masama kung ang intensyon ng magulang ay tumanggap ng tulong o pag-aaruga sa pagtanda

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Nag-viral ang palitan ng pananaw nina Vice Ganda at aktor na si Alvin Aragon matapos magbigay ng matinding komento si Alvin sa motherhood views ng Unkabogable Star.

Alvin Aragon, kinuwestyon ang motherhood views ni Vice Ganda
Alvin Aragon, kinuwestyon ang motherhood views ni Vice Ganda (📷Aragon Alvin/Facebook)
Source: Facebook

Sa isang episode ng It’s Showtime, ibinahagi ni Vice Ganda ang kanyang saloobin tungkol sa mga dahilan ng ilang tao sa pagdedesisyon na mag-anak. Ayon sa kanya, may mga nagsasabing gusto nilang maging magulang para may mag-alaga sa kanila sa pagtanda o para may magpatuloy ng kanilang apelyido. Ngunit para kay Vice, ang tunay na esensya ng pagiging magulang ay ang kakayahang magbigay, hindi ang tumanggap. “That makes motherhood really noble,” ani Vice.

Read also

Toni Fowler, nagbigay ng matinding paalala kay Papi tungkol sa motherhood

Ngunit hindi ito pinalampas ni Alvin Aragon. Sa kanyang Instagram post, kinuwestyon niya ang karapatan ni Vice na magbigay ng payo tungkol sa buhay mag-asawa at pagiging magulang. “Hindi lisensya ang Same S3x Marriage nyo ni Ion para magbigay ka ng mga payo, kasabihan, tungkol sa mundo ng buhay Mag Asawang tunay na lalaki at tunay na babae at tungkol sa Mundo ng mga Magulang na tunay na mga lalaki at tunay na babae,” ani Alvin.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dagdag pa niya, “Hindi ka naging/magiging tunay na wife, Hindi ka kahit kelan magiging tunay na nanay, Kaya wala kang karapatan na magsalita na kahit ano tungkol sa buhay mag asawa ng mga tunay na lalaki at babae at buhay magulang ng mga tunay na lalaki at babae.”

Sa kanyang pahayag, iginiit ni Alvin na ang orihinal na disenyo ng Diyos para sa pamilya ay hindi maaaring baguhin. Para sa kanya, walang masama kung ang intensyon ng magulang ay tumanggap ng tulong o pag-aaruga sa pagtanda, dahil paraan din iyon ng Diyos upang magbigay ng suporta.

Si Alvin Aragon ay kilala sa kanyang matapang na pahayag sa social media, lalo na sa mga isyung may kinalaman sa moralidad at pamilya. Bukod sa pagiging aktor, madalas siyang magbigay ng komento sa mga usaping panlipunan at showbiz. Samantala, si Vice Ganda naman ay kilala bilang isa sa mga pinakamalaking personalidad sa telebisyon, na madalas magbahagi ng kanyang pananaw sa iba’t ibang isyu sa It’s Showtime.

Read also

“Choosing joy and self love” – Angelica Yulo sa Mother’s Day

Sa isang ulat ng Kami.com.ph, pinagalitan ni Alvin Aragon ang mga direktor ukol sa maseselang eksena ng mga married actors. Ayon sa kanya, hindi dapat pinapayagan ang ganitong eksena dahil nakakaapekto ito sa sanctity ng marriage.

Sa isa pang artikulo ng Kami.com.ph, muling nagbigay ng matinding pahayag si Alvin Aragon tungkol sa bed scenes ng mga nakasal na artista. Iginiit niya na hindi ito dapat gawin dahil hindi ito angkop para sa mga taong may asawa na.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate