Toni Fowler, nagbigay ng matinding paalala kay Papi tungkol sa motherhood

Toni Fowler, nagbigay ng matinding paalala kay Papi tungkol sa motherhood

  • Toni Fowler nagbigay ng matinding paalala kay Papi na panindigan ang mga caption at huwag maging pekke para lamang sa magandang comments
  • Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Toni na walang saysay ang sweet posts kung sa realidad ay may pagsisisi sa pagiging ina
  • Ipinaalala niya na ang pagkakaroon ng anak ay sariling desisyon na dapat tanggapin, kasama ang saya at hirap na kaakibat nito
  • Toni Fowler nilinaw na layunin niyang turuan at gabayan si Papi, na maging totoo sa sarili at sa responsibilidad bilang ina

Muling naging sentro ng usapan si Toni Fowler matapos niyang magbigay ng matinding paalala kay Papi tungkol sa pagiging totoo sa social media at sa realidad. Sa kanyang mensahe, pinaalalahanan niya si Papi na panindigan ang mga caption na inilalagay online, lalo na kapag ito ay tungkol sa pagiging ina.

Toni Fowler, nagbigay ng matinding paalala kay Papi tungkol sa motherhood
Toni Fowler, nagbigay ng matinding paalala kay Papi tungkol sa motherhood (đź“·Toni Fowler/Facebook)
Source: Facebook

Ani Toni: “Yung caption sana panindigan. Hindi yung halos araw araw kong marinig na nagsisisi ka na nabuntis ka. Panindigan mo yang caption mo. Wag yung sobrang mahal lang yung mga bata sa social media. Sana sa realidad TANGGAP mo talaga na ikaw ang nagdesisyon na buhayin mo sila. Oo may dulot talaga ng SAYA ang pag kakaron ng anak at dapat yakapin din natin ang HIRAP na kasama nito.”

Read also

Precious Lara Quigaman, nagbahagi ng Mother’s Day reflection

Dagdag pa niya, walang saysay ang mga sweet at loving words sa social media kung sa totoong buhay ay may naririnig na pagsisisi. Para kay Toni, ang tunay na pagmamahal sa anak ay nakikita hindi lang sa posts kundi sa araw-araw na pagyakap sa hirap at saya ng pagiging magulang.

Sa kanyang mensahe, ipinaalala rin ni Toni na ang desisyon na magkaroon ng anak ay sariling pasya na dapat tanggapin nang buong puso. Ang pagiging ina ay hindi lamang tungkol sa saya kundi pati sa sakripisyo, at ang tunay na ina ay handang yakapin ang parehong aspeto.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Bagama’t alam niyang maraming tao ang makakabasa ng kanyang post, nilinaw ni Toni na layunin lamang niyang turuan at gabayan si Papi. “Ok lang na retokadaa tayo pero WAG MONG UUGALIIN MAGING PEKKE para sa magandang comments. Yun lang labyu,” dagdag pa niya.

Toni Fowler, nagbigay ng matinding paalala kay Papi tungkol sa motherhood
Toni Fowler, nagbigay ng matinding paalala kay Papi tungkol sa motherhood
Source: Facebook

Ang kanyang mensahe ay naging matinding paalala hindi lamang kay Papi kundi sa maraming netizens na nakakita ng post. Para kay Toni, mahalaga ang consistency—kung ipinapakita ang pagmamahal sa social media, dapat ay ganoon din sa realidad.

Si Toni Fowler ay kilala bilang isa sa mga pinaka-pinag-uusapan na social media personalities sa Pilipinas. Bukod sa kanyang mga vlogs at online content, madalas siyang magbigay ng matapang na opinyon at personal na kwento na nagiging sentro ng diskusyon online. Kilala siya sa pagiging bukas at totoo, kahit pa ang kanyang mga pahayag ay nagdudulot ng iba’t ibang reaksyon mula sa publiko.

Read also

Jennylyn Mercado, tumanggi magsalita tungkol kay Patrick Garcia

Sa isang ulat ng Kami.com.ph, nagsalita si Toni Fowler matapos akusahan ng pagiging masyadong tipid sa anak. Nilinaw niya ang kanyang panig at ipinakita ang kanyang pagmamahal sa pamilya sa kabila ng mga batikos.

Sa isa pang artikulo ng Kami.com.ph, ibinahagi ni Toni Fowler na naghahanap siya ng bagong Toro Family member. Ang kanyang openness at pagiging totoo sa mga ganitong bagay ay muling nagpakita ng kanyang kakaibang personalidad.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: