Gov. Daniel Fernando nagsalita sa isyu ng road rage sa NLEX

Gov. Daniel Fernando nagsalita sa isyu ng road rage sa NLEX

  • Binasag na ni Gov. Daniel Fernando ang katahimikan hinggil sa umano’y road rage incident sa NLEX na kinasangkutan daw nila ng presidential son na si Vinny Marcos
  • Naungkat ang isyu sa vlog ni Susan Enriquez kung saan tinanong ang gobernador tungkol sa umano’y pangha-harass ng kanyang convoy sa anak ng Pangulo
  • Matatandaang unang isinapubliko ni broadcaster Ramon Tulfo ang umano’y insidente, ngunit kalaunan ay pinabulaanan ito ni Fernando at kinatigan ng DILG Sec. Jonvic Remulla
  • Sa panayam, tumanggi si Fernando na kumpirmahin o itanggi ang detalye ng insidente at iginiit na igalang na lamang ang pahayag ng Malacañang

Binasag na ni Bulacan Governor Daniel Fernando ang kanyang katahimikan hinggil sa isyu ng umano’y naganap na road rage sa North Luzon Expressway (NLEX) na kinasangkutan daw nila ng presidential son na si Vinny Marcos.

Gov. Daniel Fernando nagsalita sa isyu ng road rage sa NLEX
Gov. Daniel Fernando nagsalita sa isyu ng road rage sa NLEX (📷Daniel Fernando/Facebook)
Source: Facebook

Naungkat ang kontrobersya sa vlog ni GMA News journalist at Unang Hirit host Susan Enriquez, kung saan diretsahang tinanong ang gobernador tungkol sa umano’y insidente.

Read also

Gov. Daniel Fernando, nagsalita sa isyu kay Kim Rodriguez

Kung babalikan, naging usap-usapan ang social media post ng broadcaster na si Ramon “Mon” Tulfo matapos isiwalat ang umano’y nangyaring komprontasyon sa pagitan ng convoy ni Fernando at ng bunsong anak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong Pebrero 21, 2026. Ayon kay Tulfo, hinarass daw ng convoy ni Fernando ang sasakyan ni Vinny habang nasa NLEX.

Dahil dito, ipinatawag umano si Fernando ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla sa Camp Crame. Kumalat pa ang tsismis na nagkaroon ng pisikalang komprontasyon sa pagitan ng dalawa.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ngunit sa pagdalo ni Remulla sa Kapihan sa Manila Bay noong Marso 4, 2026, nilinaw niya na pinabulaanan na ni Fernando ang usapin at sumang-ayon siya rito. “Fernando already denied it happened and I will concur with him,” ani Remulla. Dagdag pa niya, si Tulfo raw ang nagpakalat ng kuwento at wala na dapat itong palakihin.

Sa vlog ni Susan, tinanong niya si Fernando kung ano nga ba ang totoo sa isyu ng convoy. Sagot ng gobernador: “Ma’am, alam naman ng mga Bulakenyo ‘yan, at nasabi ko na rin po yung reason ko na let the Malacañang... yung pahayag ng Malacañang, igalang natin, okay na yun. Basta, alam naman ng Bulacan kung sino si Daniel Fernando.”

Read also

Edu Manzano, masaya sa bagong yugto ng buhay at career

Ngunit nang muling ungkatin ni Susan kung may nangyari nga, tumanggi na si Fernando na kumpirmahin o itanggi ito. “Ma’am, huwag na natin pag-usapan,” natatawang sabi niya.

Bukod sa kontrobersya, naurirat din ni Susan ang real score sa pagitan ni Fernando at aktres na si Kim Rodriguez, na matagal nang natsitsismis na may relasyon umano sila.

Si Daniel Fernando ay kilala bilang aktor bago pumasok sa politika. Naging gobernador ng Bulacan, madalas siyang laman ng balita hindi lamang sa mga proyekto ng kanyang pamahalaan kundi pati na rin sa mga personal na isyu. Sa mga nakaraang buwan, ilang beses na siyang na-link sa aktres na si Kim Rodriguez, ngunit mariin niya itong itinanggi.

Sa artikulong Kim Rodriguez, 30 cryptic replies sa comments ukol sa pagka-link niya kay Gov. Fernando, naging usap-usapan ang mga sagot ni Kim sa mga netizens na nagkokomento tungkol sa umano’y relasyon nila ng gobernador. Maraming netizens ang nagbigay ng kani-kanilang interpretasyon sa kanyang mga cryptic replies.

Sa isa pang ulat, Gov. Daniel Fernando nagsalita sa isyu kay Kim Rodriguez, diretsahang itinanggi ng gobernador na naging girlfriend niya si Kim. Tinawag niya itong “female friend” at iginiit na ginamit lamang ng kanyang mga kalaban sa politika ang kanilang mga litrato para sa intriga.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate