Annabelle Rama, excited sa graduation ni Lorin Gutierrez

Annabelle Rama, excited sa graduation ni Lorin Gutierrez

  • Annabelle Rama ibinahagi ang excitement sa posibilidad ng pagdalo ni Yilmaz Bektas sa graduation ng apo niyang si Lorin Gutierrez sa Pepperdine University sa California
  • Ayon sa kuwento ni Ruffa Gutierrez, posibleng makapunta si Yilmaz sa US kung makakuha ng flight, bagay na ikinasaya ni Annabelle dahil magiging kumpleto ang okasyon lalo na’t naroon din si Venice
  • Sa panayam ni Jun Lalin ng Abante, sinabi ni Annabelle na matagal nang maayos ang relasyon nina Ruffa at Yilmaz kaya’t walang magiging problema kung magtatagpo silang muli sa mahalagang araw
  • Bukod sa graduation, naghahanda rin si Annabelle Rama para sa kanyang bagong YouTube channel na inaasahang tampok ang pamilya, na lalo pang magiging interesting kung makakasama si Yilmaz sa unang episode

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Ayon sa ulat ni Jun Lalin ng Abante, naging topic ng tsikahan nila ni Annabelle Rama ang nalalapit na graduation ng apo niyang si Lorin Gutierrez sa Pepperdine University sa Malibu, California ngayong Mayo 2. Kasama rin sa dinner si Eddie Gutierrez nitong nakaraang Biyernes.

Read also

Gov. Daniel Fernando, nagsalita sa isyu kay Kim Rodriguez

Annabelle Rama, excited sa graduation ni Lorin Gutierrez
Annabelle Rama, excited sa graduation ni Lorin Gutierrez ('📷Annabelle Rama/Facebook)
Source: Instagram

Sa kuwento ni Annabelle, naikuwento sa kanya ni Ruffa Gutierrez na baka makapunta si Yilmaz Bektas sa graduation ng kanilang anak. “Sana huwag magka-problem para makapunta si Yilmaz. For sure, magiging super happy si Lorin,” ani Annabelle.

Excited siya na makita ang dating son-in-law sa mahalagang okasyon ng kanyang apo. Dagdag pa niya, tamang-tama raw na naroon din si Venice kaya tiyak na masaya ang selebrasyon. “Okey na naman sila noon pa,” dagdag pa ni Annabelle.

Ang tanging inaasahan na lang ay makakuha ng flight si Yilmaz papuntang Los Angeles para makadalo sa event.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Bukod sa graduation, ibinahagi rin ni Annabelle Rama na very soon ay magsisimula na siya ng kanyang sariling YouTube channel. Excited na raw siya para sa kanyang first episode. Suggestion pa nga sa kanya, maganda kung sina Ruffa, Yilmaz, Lorin, at Venice ang sasalang sa kanyang unang episode. Interesting ‘yon lalo na at muling maghaharap sila ng kanyang dating son-in-law.

Read also

“Hindi ko nakikita ang future” – Robin Padilla, may planong umalis ng bansa

Si Annabelle Rama ay kilala bilang matriarch ng Gutierrez family at talent manager sa showbiz. Prangka at masayahin, madalas siyang laman ng mga balita at tsikahan. Ang kanyang mga anak na sina Ruffa, Richard, at Raymond Gutierrez ay pawang kilalang personalidad sa telebisyon at pelikula.

Si Yilmaz Bektas ay isang Turkish businessman na naging asawa ni Ruffa Gutierrez noong 2003. Nagkaroon sila ng dalawang anak, sina Lorin at Venice. Taong 2007 nang maghiwalay ang dalawa, at mula noon ay naging sentro ng maraming intriga ang kanilang relasyon. Sa kabila ng mga pinagdaanan, nanatiling bukas ang komunikasyon ni Yilmaz sa kanyang mga anak. Noong 2022, muling nagkita sina Lorin at Venice sa Turkey kasama ang kanilang ama, na naging emosyonal na reunion para sa pamilya.

Sa artikulong Barbie Imperial pinasalamatan si Annabelle Rama matapos regaluhan ng alahas, ipinakita ni Barbie ang kanyang pasasalamat kay Annabelle matapos itong bigyan ng alahas. Maraming netizens ang natuwa sa pagiging maalaga ni Annabelle sa mga batang artista.

Sa isa pang ulat, Barbie Imperial nagkuwento tungkol sa bonding dinner nila ni Annabelle Rama, ibinahagi ni Barbie ang masayang karanasan sa kanilang bonding dinner. Pinuri niya si Annabelle bilang isang ina-inahan na nagbibigay ng suporta at pagmamahal.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate