Ogie Diaz, ibinunyag kung sino ang sources ng kanyang blind items

Ogie Diaz, ibinunyag kung sino ang sources ng kanyang blind items

  • Ibinunyag ni Ogie Diaz na mga artista mismo ang nagsisilbing sources ng kanyang blind items at sila ang nagbibigay ng impormasyon na kanyang ibinabahagi sa publiko
  • Nilinaw ni Ogie na hindi niya binabayaran ang kanyang mga sources kundi nagreregalo lamang siya bilang pasasalamat upang maiwasan ang maling impormasyon
  • Matagal nang bahagi ng showbiz si Ogie Diaz at nagsimula siyang magbahagi ng blind items sa telebisyon bago lumipat sa YouTube kung saan mas naging bukas siya sa kanyang estilo
  • Nagbahagi rin si Ogie ng karanasan kung saan isang aktor ang nagalit sa kanya matapos lumabas ang isang blind item na hindi naman pala siya ang tinutukoy

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Matagal nang kilala si Ogie Diaz bilang isa sa mga pinakaaktibong showbiz insiders sa bansa. Bukod sa pagiging talent manager at vlogger, siya rin ay naging showbiz reporter at host ng iba’t ibang talk shows. Sa kanyang YouTube channel na Showbiz Update, regular siyang nagbabahagi ng mga balita at blind items tungkol sa mga kilalang personalidad.

Read also

Janine Gutierrez, nagkuwento sa kanyang “adulting phase”

Ogie Diaz, ibinunyag kung sino ang sources ng kanyang blind items
Ogie Diaz, ibinunyag kung sino ang sources ng kanyang blind items (📷Ogie Diaz/Facebook)
Source: Facebook

Sa isang panayam sa YouTube channel ni Chad Kinis, ibinunyag ni Ogie ang pinagmumulan ng kanyang mga blind items. “Di ba yung mga artista nga ang source ko,” aniya. Dagdag pa niya, ang mga celebrities mismo ang nagbibigay ng impormasyon ngunit pinapaalala sa kanya na huwag silang i-quote para mapanatili ang kanilang anonymity.

Ayon kay Ogie, hindi niya binabayaran ang kanyang sources. “Nagreregalo ako, pero ang pangit kasi pag bayad eh, kasi baka mag-imbento na siya pag alam niyang may bayad,” paliwanag niya.

Matatandaang si Ogie ang isa sa mga unang nagdala ng blind items sa telebisyon. Nagkaroon siya ng blind item portion sa morning show na Magandang Umaga, Bayan, na kalaunan ay naging Magandang Umaga Pilipinas at ngayon ay kilala bilang Umagang Kay Ganda.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Kwento niya, naramdaman niyang ang blind items ang dahilan kung bakit siya tinanggal sa programa. Naalala pa niya ang isang blind item noon tungkol sa isang aktor na umano’y nakatanggap ng kotse mula sa isang kongresista. Matapos lumabas ang blind item, isang aktor ang tumawag at nagalit sa kanya dahil akala nito siya ang tinutukoy. Ngunit nang tanungin ni Ogie kung may kotse ba siyang galing sa kongresista, ang sagot ng aktor ay “wala.”

Read also

Carla Abellana, ibinahagi ang Hermes Birkin bag na pang-tuition fee ng magiging anak

Ang bahagi ng panayam na ito ay ibinahagi sa Reddit, at agad na nagdulot ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens. May mga natuwa sa pagiging bukas ni Ogie tungkol sa kanyang sources, ngunit may ilan ding nagtanong kung tama bang celebrities mismo ang nagbibigay ng mga blind items.

Namimiss na si Vice Ganda, Ogie Diaz ibinunyag absence nito sa ‘Showtime’ Sa artikulong ito, ibinahagi ni Ogie Diaz ang kanyang obserbasyon sa pagkawala ni Vice Ganda sa It’s Showtime. Maraming fans ang nagtaka at nagkomento tungkol sa absence ng komedyante, at si Ogie ang nagbigay ng paliwanag sa sitwasyon.

Ogie Diaz, rumesbak sa mga nangingialam sa buhay ni Sarah Lahbati Sa isa pang ulat, matapang na nagsalita si Ogie Diaz laban sa mga netizens na patuloy na nakikialam sa personal na buhay ni Sarah Lahbati. Pinagtanggol niya ang aktres at nagbigay ng kanyang pananaw sa mga isyung kinakaharap nito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: