Bearwin Meily, pinatawad ang asawa matapos ang pagsubok sa kanilang relasyon
- Bearwin Meily ikinuwento kung paano nakatulong ang pananampalataya sa pagpatwad sa asawa
- Lara Meily inamin ang pagkakaroon ng affair noong 2015 na muntik nang sirain ang pamilya
- Comedian umamin na mahirap ang proseso ngunit pinili ang kapatawaran at pagmamahal
- Mag-asawa ngayon nagbibigay ng counseling para sa mga mag-asawang dumadaan sa pagsubok
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Ibinahagi ng comedian-actor na si Bearwin Meily kung paano nakatulong ang kaniyang pananampalataya sa Diyos upang mapatawad ang asawa niyang si Lara matapos aminin ang pagkakaroon ng affair noong 2015.

Source: Youtube
Sa panayam sa online talk show ni Toni Gonzaga, inamin ni Lara na nagkaroon siya ng relasyon sa isang taong parehong kilala nila ni Bearwin. “I was a housewife for 15 or 18 years; I had the desire, probably, I’d say I got bored,” pahayag ni Lara.
Ayon kay Bearwin, matagal na niyang nararamdaman ang pagiging malapit ng asawa sa naturang lalaki. “Siguro ang naging problem naging maluwag ako sa kaniya. At some point, nagkaroon din ako ng pagkukulang, pinayagan ko rin siya […] We don’t set boundaries,” aniya.

Read also
“Napakahayop po”: Anak ng mag-asawang pinaslang dahil sa away sa lupa, nasaksihan ang pamamaril
Dagdag pa niya, may mga pagkakataon na ramdam niyang may kakaiba sa sweetness ng asawa. “I was really crying to the Lord. I know it’s happening, but I’m praying to God, ‘Huwag sana, huwag sana.’ Kaya lang, pinayagan ni Lord,” kwento ng comedian.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Si Lara naman ay umamin na muntik na niyang iwan ang pamilya para sa relasyon. Ngunit ayon sa kaniya, nakaranas siya ng “divine intervention.” “Umalis ako ng bahay. Imi-meet ko ‘yung guy. Do’n sa door ng taxi merong gospel. It says there, ‘Ano ang pinakamahalagang desisyon ng buhay mo?’ […] When I met the guy, I told him, ‘It’s enough,’” pagbabahagi ni Lara.
Matapos nito, inamin niya ang lahat kay Bearwin. Bagama’t mahirap, pinili ng comedian na patawarin ang asawa. “Every time I feel an attack, sabi ko palagi, ‘Lord, I forgive my wife, I love my wife.’ Sino bang perpekto? Makasalanan din ako. Pinatawad lang din ako ni Lord,” aniya.
Dagdag pa ni Bearwin, ang tunay na kapatawaran ay maiintindihan lamang kapag nakilala ang Diyos. “Hanggang hindi mo nakikilala si Lord, hindi mo maiintindihan paano mo magagawa ‘yon […] The Lord forgave me; therefore, I should love and forgive my wife,” pahayag niya.
Ngayon, ang mag-asawa ay nagbibigay ng counseling para sa mga mag-asawang dumadaan sa parehong pagsubok. Ikinasal sina Bearwin at Lara noong 2004 at may dalawang anak na lalaki.
Si Bearwin Meily ay kilala bilang isang comedian at aktor na lumabas sa iba’t ibang pelikula at TV shows. Sa kabila ng mga pagsubok sa kanilang relasyon, pinili nilang mag-asawa na manatili at magtulungan. Ang kanilang kwento ay nagsisilbing inspirasyon sa maraming mag-asawa na dumadaan sa mahirap na yugto ng pagsasama.
Bearwin Meily, kinumusta ni Ogie Diaz; naiyak nang mabanggit si Bayani Agbayani Sa isang panayam, naiyak si Bearwin nang mabanggit ang kaibigan niyang si Bayani Agbayani. Ibinahagi niya ang kanilang pagkakaibigan at kung paano siya naapektuhan ng mga pagbabago sa showbiz.
Bearwin Meily, ibinenta ang kaniyang bahay ayon kay Ogie Diaz Ibinahagi ni Ogie Diaz na naibenta na ni Bearwin ang kaniyang bahay. Ang desisyon ay nagdulot ng usapan sa publiko tungkol sa mga pagbabago sa buhay ng comedian.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh
