Rita Gaviola, nagbahagi ng kwento ng kabataan at pangako sa anak

Rita Gaviola, nagbahagi ng kwento ng kabataan at pangako sa anak

  • Nagbahagi si Rita Gaviola ng taos-pusong mensahe para sa kanyang anak
  • Ikinuwento niya ang simpleng kabataan na puno ng pagmamahal ng pamilya
  • Ipinangako niyang ibibigay sa anak ang mga bagay na hindi niya naranasan
  • Mensahe niya ay paalala na ang tunay na yaman ay pagmamahal at sakripisyo

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Isang napaka-heartfelt na mensahe ang ibinahagi ni Rita Gaviola, mas kilala ng publiko bilang “Badjao Girl,” para sa kanyang anak. Sa kanyang Facebook post, ikinuwento ni Rita ang kanyang kabataan na puno ng simpleng alaala—walang marangyang handaan, walang mamahaling laruan, at hindi naranasan ang mga bagay na karaniwan na ngayon.

Rita Gaviola, nagbahagi ng kwento ng kabataan at pangako sa anak
Rita Gaviola, nagbahagi ng kwento ng kabataan at pangako sa anak (📷Rita Gaviola - aka Badjao Girl/Facebook)
Source: Instagram

Ayon kay Rita, hindi siya kailanman nainggit sa iba dahil napuno ng pagmamahal ng kanyang pamilya ang kanyang pagkabata. “Hindi ko naransan yung ganyan bagay na binyagan ng maayos. Hindi ko naransan na may Catering sa birthday ko. Hindi ko naransan makakain sa mga restaurant. Hindi ko naransan bumili ng laruan sa mall. Hindi ko naransan magkaron ng mga laruan na mamahalin. Pero hindi ibig sabihin non, nainggit ako sa iba, masaya naman ang pagiging bata ko non hindi dahil sa material na bagay kundi sa pagmamahal na meron ang mga magulang ko,” ani Rita.

Read also

Nic Chien, binalikan ang masakit na paraan kung paano niya nalaman ang hiwalayan nina Lea at Robert

Ngayon bilang isang ina, dala niya ang pangako na ibibigay sa kanyang anak ang mga bagay na hindi niya naranasan noon. “Kaya para sayo anak ko buong buhay namin ng daddy mo ipaparanas namin sayo ang buhay na hinahangad mo,” dagdag niya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang kanyang mensahe ay nagbigay ng inspirasyon sa maraming netizens. Para kay Rita, ang tunay na yaman ay hindi nasusukat sa materyal na bagay kundi sa pagmamahal, sakripisyo, at intensyon ng isang magulang. Ang kanyang kwento ay paalala na ang hirap at kakulangan sa nakaraan ay maaaring maging gabay upang mas mapabuti ang kinabukasan ng susunod na henerasyon.

Si Rita Gaviola ay unang nakilala ng publiko noong 2016 matapos siyang makuhanan ng litrato sa Pahiyas Festival sa Lucban, Quezon. Tinagurian siyang “Badjao Girl” at agad na naging viral sa social media. Dahil dito, nakapasok siya sa Pinoy Big Brother kung saan mas nakilala pa ng publiko ang kanyang kwento. Sa kabila ng mga hamon sa buhay, patuloy siyang nagbibigay ng inspirasyon sa pamamagitan ng kanyang mga post at pagbabahagi ng personal na karanasan.

Sa mga nakaraang taon, naging bukas si Rita sa kanyang journey bilang isang ina at bilang anak na patuloy na nagbibigay suporta sa kanyang pamilya. Ang kanyang mga post ay madalas nagiging viral dahil sa pagiging totoo at taos-puso, na tumatagos sa damdamin ng mga netizens.

Read also

Tuesday Vargas may diretsahang resbak sa mga tumatawa sa kanyang trabaho

Kamakailan, naging emosyonal si Rita Gaviola matapos batikusin ng ilang netizens ang kanyang mga magulang dahil sa kanilang simpleng tahanan. Ipinaliwanag ni Rita na hindi dapat husgahan ang kanyang pamilya dahil sa kanilang kalagayan, at binigyang-diin niya ang pagmamahal na natanggap mula sa kanila.

Samantala, ipinaliwanag din ni Rita kung bakit pansamantalang itinigil ang konstruksyon ng kanilang bahay para sa kanyang mga magulang. Ayon sa kanya, may mga dahilan kung bakit hindi pa natatapos ang proyekto, ngunit nananatili siyang determinado na maibigay ang maayos na tirahan para sa kanila.

Ang mga kwentong ito ay nagpapakita ng patuloy na pagsusumikap ni Rita hindi lamang para sa kanyang anak kundi para sa kanyang buong pamilya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate