Alvin Aragon naglabas ng pahayag sa “King of Talk”
- Alvin Aragon muling naglabas ng pahayag laban sa King of Talk Boy Abunda
- Sa Facebook post, may open letter siya kay “Maam Annette” tungkol sa show
- Aniya, ginagamit daw ang programa para ipalabas na ok lang ang LGBTQIA+
- Boy Abunda nanindigan na pagmamahal at pagtanggap ang dapat manaig
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Usap-usapan na naman sa social media ang panibagong pahayag ni Alvin Aragon, dating “StarStruck” avenger at mister ng dating SexBomb Girls member na si Izzy Trazona. Sa kanyang Facebook post nitong Marso 23, tila may open letter siya kay “Maam Annette,” na hula ng mga netizen ay tumutukoy sa GMA Network executive na si Annette Gozon-Valdes.

Source: Instagram
Ayon kay Alvin, dapat daw alisan ng show si “King of Talk” at ang mga writers nito dahil ginagamit umano ang programa para sabihing ayos lang na magkaroon ng mga miyembro ng LGBTQIA+ community. “Maam Annette, Ang king of talk ang dapat inaalisan ng show at ang writer ng show. Kasi he uses, they uses this platform to encouraged and influenced Filipino people especially Filipino parents,” ani Alvin.
Dagdag pa niya, “Gusto nila palabasin na Ok lang, Na walang masama ang maging bakla, maging tomboy, maging trans at maging qúeer. Maam Annette alam natin na kasalanan yan sa Mata ng King of kings natin.”
Sa huli, tinapos niya ang post sa panawagang “Stop propagating Sin of homosexuality because it is against the Lord Jesus.”
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Bagama’t walang direktang pangalan, naniniwala ang mga netizen na ang tinutukoy ni Alvin ay si Boy Abunda. Matatandaang nag-guest pa sina Izzy at Alvin sa Fast Talk with Boy Abunda bago pa man lumaki ang isyu tungkol sa kanyang pananaw sa homosexuality at sa mga celebrity parents na may anak na kabilang sa LGBTQIA+ community.
Sa kanyang programa, diretsahang nagbigay ng tugon si Boy Abunda. Aniya, nirerespeto niya ang pananampalataya ni Alvin ngunit naniniwala siyang “he crossed a line.” Paliwanag ni Abunda, hindi maaaring ipilit ni Alvin ang kanyang paniniwala at estilo ng pagpapalaki sa ibang tao.
Binigyang-diin ni Tito Boy na masakit para sa maraming magulang at miyembro ng LGBTQIA+ community ang tila paghusga sa mga magulang na piniling yakapin ang kanilang mga anak nang may pagmamahal, dignidad, at malasakit. Tinukoy pa niya sina K Brosas, Ian Veneracion, at Gloc-9 bilang halimbawa ng mga magulang na buong pusong tinanggap ang kanilang mga anak.
Sa huli, ibinahagi ni Abunda ang kanyang paninindigan bilang miyembro ng LGBTQIA+ community. “In the evening of life we will all be judged on love and love alone,” ani niya, na sinipi pa si St. John of the Cross. Dagdag pa niya, “Alvin, you cannot impose your faith. You cannot impose your parenting style. You cannot impose yourself on us… Walang puwedeng magsabi sa amin, not you, not anyone.”
Si Alvin Aragon ay dating “StarStruck” avenger na nakilala rin bilang mister ni Izzy Trazona, dating miyembro ng SexBomb Girls. Naging kontrobersyal siya sa social media dahil sa kanyang matitinding pahayag laban sa homosexuality at sa ilang celebrity parents na may anak na kabilang sa LGBTQIA+ community. Sa kabila ng mga batikos, naninindigan si Alvin sa kanyang pananampalataya.
Samantala, si Boy Abunda ay kilala bilang “King of Talk” at isa sa mga pinakatanyag na TV host sa bansa. Bukod sa kanyang karera, matagal na rin siyang nagsasalita tungkol sa kanyang pagiging miyembro ng LGBTQIA+ community at sa paniniwala sa pagmamahal at pagtanggap.
Kaugnay nito, nagsalita na si Alex Castro kung bakit hindi agad siya sumagot sa mga patutsada ni Alvin Aragon. Ayon kay Castro, mas pinili niyang manahimik muna bago magbigay ng pahayag upang hindi na lumaki pa ang isyu.
Samantala, muling bumanat si Alvin Aragon sa mga mister ng SexBomb Girls. Sa kanyang post, nagbigay siya ng panibagong pahayag na muling nagpasiklab ng diskusyon sa social media.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

