Rabiya Mateo, masaya sa bagong yugto ng kanyang love life
- Rabiya Mateo kumpirmadong single matapos ang breakup kay Jeric Gonzales
- Nakita si Rabiya kasama si Jake Cuenca sa BGC na nagpasimula ng usapan
- Sa panayam, sinabi niyang masaya siya at nasa “happy place” ngayon
- Ibinahagi rin niya na nasa proseso pa lang sila ng pagkilala sa isa’t isa
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Matapos ang kumpirmasyon ng breakup nila ng Kapuso actor na si Jeric Gonzales, muling naging usap-usapan ang love life ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo. Sa isang panayam, ibinahagi ng beauty queen-actress na masaya siya sa kasalukuyan at nasa “happy place” na.

Source: Instagram
Naging viral kamakailan ang larawan nina Rabiya at Kapamilya actor Jake Cuenca na magkasamang namataan sa Bonifacio Global City (BGC). Dahil dito, lumabas ang mga espekulasyon na posibleng may namamagitan sa dalawa. Gayunpaman, nanatiling tahimik sina Rabiya at Jake tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.
Sa programang For The Record ng Abante, diretsahang sinabi ni Rabiya na masaya siya ngayon. “I’m in a happy place. Very, very happy. And I’m so grateful… sa lahat ng lessons from the past. And it made me realize na ‘yung kung ano man ‘yung mga heartaches or mga bad na nangyari sa ’yo in the past, it’s gonna get better, and sasaya ka ulit,” ani niya.
Nang tanungin kung saan ang tinutukoy niyang “better place,” pabirong sagot ni Rabiya ay “Puwedeng saan na lang? Sa BGC, joke!” Dagdag pa niya, nasa proseso pa lamang sila ng pagkilala sa isa’t isa. “Basta masaya, I’m happy.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Mukhang nasa "getting to know" stage pa sila matapos itong magbigay ng pahayag tungkol sa kanyang kasalukuyang estado ng puso. Ayon sa kanya, wala pa umanong dapat kumpirmahin o ikuwento sa publiko sa ngayon dahil ayaw niyang ma-“jinx” ang namumuong ugnayan.
Binigyang-diin niya na mahalagang kilalanin muna nang mabuti ang isang tao bago magsalita. “Nasa process pa lang na kailangan mo talagang kilalanin. At kailangan mo tingnan if compatible kayo or not, ‘di ba?!” aniya.
Dagdag pa rito, naniniwala rin siya na ang compatibility, loyalty, at pagmamahal ay hindi minamadali at dapat munang dumaan sa pagsubok ng panahon. “It is tested with time. So I need to wait for it, walang minamadali,” dagdag pa niya.
Ayon kay Rabiya, hindi siya naghihintay ng anumang “sign” kundi mas pinipili niyang mag-enjoy sa proseso. “I think we have this common understanding na we wanna know each other. ‘Yun lang,” dagdag niya.

Read also
Anak ni Dimples Romana, isa na ngayong flight instructor sa isang aviation school sa Australia
Bukod sa kanyang personal na buhay, naging usap-usapan din si Rabiya kamakailan nang kumalat ang kanyang mataas na score sa National Medical Admission Test (NMAT). Nakakuha siya ng 741 General Performance Score, mas mataas kaysa sa mock test score ng fictional character na si Linda Walker mula sa isang Chinese drama. Ibinahagi rin ni Rabiya na nagdesisyon siyang bumalik sa pag-aaral, patunay na patuloy siyang naghahanap ng bagong direksyon sa kanyang buhay.
Si Rabiya Mateo ay nakilala matapos koronahan bilang Miss Universe Philippines 2020. Bukod sa kanyang karera bilang beauty queen, pinasok din niya ang showbiz bilang aktres. Kilala siya sa kanyang pagiging matatag at inspirasyon sa maraming kabataan, lalo na sa mga kababaihan na nais magtagumpay sa iba’t ibang larangan.
Sa isang panayam, ibinahagi ni Jeric Gonzales ang tungkol sa breakup nila ni Rabiya Mateo. Bagama’t hindi niya idinetalye ang dahilan ng kanilang paghihiwalay, sinabi niyang nanatili silang magkaibigan.
Samantala, naging viral din ang pagkakakita kina Jake Cuenca at Rabiya Mateo na magkasamang kumakain sa isang restaurant sa BGC. Ito ang nagpasimula ng mga espekulasyon tungkol sa kanilang posibleng relasyon.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh
