Tuesday Vargas may diretsahang resbak sa mga tumatawa sa kanyang trabaho

Tuesday Vargas may diretsahang resbak sa mga tumatawa sa kanyang trabaho

  • Naglabas ng saloobin ang comedienne-host na si Tuesday Vargas laban sa mga netizens na nagbigay ng laugh reactions sa kanyang post tungkol sa pag-host ng BINGO
  • Ibinahagi ni Tuesday na hindi niya kailanman ikakahiya ang anumang marangal at malinis na trabaho lalo na’t dito siya nagsimula noong kolehiyo
  • Sinagot din ng aktres ang isang netizen na nagpahiwatig na tila hindi na maganda ang takbo ng kanyang career dahil sa ganitong uri ng kaganapan
  • Binunyag ng comedienne na malaki ang kinita niya sa nasabing hosting stint at mas pinipili niyang maging masaya sa suporta ng mga totoong nakakaunawa sa kanya

Muling naging usap-usapan sa social media ang comedienne at singer na si Tuesday Vargas matapos niyang sagutin ang mga netizens na tila minamaliit ang kanyang pagho-host sa isang BINGO event. Sa kanyang Facebook post, ipinakita ni Tuesday ang larawan ng kanyang trabaho na umani ng samu’t saring reaksyon mula sa publiko.

Read also

Miss Glenda ng Brilliant Skin, may mahalagang pag-amin sa kanyang supporters

Tuesday Vargas may diretsahang resbak sa mga tumatawa sa kanyang trabaho
Tuesday Vargas may diretsahang resbak sa mga tumatawa sa kanyang trabaho (📷Tuesday Vargas/Facebook)
Source: Facebook

Sa kabila ng mga heart at like reactions, hindi nakaligtas sa pansin ng comedienne ang mga nag-iwan ng laugh emojis. Ayon kay Tuesday, “Kahit kailan ay hinding hindi ko ikakahiya ang marangal at malinis na trabaho. Trivia: nag simula akong maging on cam talent noong college sa See You at E! Sa itaas ng tutuban mall ang taping namin. Ang una kong hosting job ay Bingo akalain mo?”

Hindi rin pinalampas ni Tuesday ang isang komento na nagsasabing tila bagsak na ang kanyang career dahil nakikita na siya sa mga ganitong klase ng event. Diretsahang sinagot ito ng aktres at sinabing sa nasabing stint ay nakakuha siya ng P100,000 na bayad at ito ay malinis na kita.

Dismayado rin ang host sa mga taong imbes na matuwa para sa kanya ay mas piniling kutyain ang kanyang ginagawa. Aniya, “Pinagtatawanan ng 208 na tao sa isang post ang pag ho host ko ng BINGO. Ang ganda nung event kaya kasi ang daming mababait na loyal customers ng hotel na kinausap talaga ako after ng show. Mga mommy na nag sasabi napapasaya ko sila at pinapalakas loob ko na lumaban. Pero imbes na masaya kayo para sa akin nakuha nyo pa akong libakin at pagtawanan?”

Read also

Sachzna Laparan, nag-abot ng tulong sa mga motorista bilang pasasalamat sa kanyang graduation

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Binigyang-diin ni Tuesday na tila hindi binasa ng mga bashers ang kanyang backstory na maaari sanang maging inspirasyon sa iba. Ayon sa kanya, wala na siyang pakialam sa sasabihin ng iba basta’t ginagawa niya ang kanyang makakaya nang may dignidad.

Si Tuesday Vargas ay kilala sa industriya bilang isang versatile artist. Bukod sa pagiging magaling na comedienne at host, isa rin siyang mahusay na singer na naging bahagi ng iba’t ibang banda at television shows sa bansa. Kamakailan ay naging viral din ang kanyang post kung saan buong tapang siyang humingi ng trabaho sa mga kakilala sa showbiz, na nagpapatunay ng kanyang pagiging praktikal at tapat sa kanyang sitwasyon bilang isang working artist.

Bago ang isyung ito, naging bukas din si Tuesday sa pagbabahagi ng iba pang aspeto ng kanyang buhay at karera na tunay namang kinabiliban ng kanyang mga tapat na tagasunod.

Kamakailan lamang ay nagbahagi rin si Tuesday Vargas ng isang malungkot na balita tungkol sa kanyang personal na buhay. Sa kanyang social media account, ipinahayag ng aktres ang kanyang matinding pagdadalamhati sa pagpanaw ng kanyang minamahal na alagang pusa. Maraming netizens ang nakiramay sa kanya dahil alam ng marami kung gaano siya kalapit sa kanyang mga pets.

Read also

Isang netizen, naantig sa ginawa ni Kuya Kim Atienza sa oras ng kaniyang pangangailangan

Sa kabila ng mga hamon, patuloy namang namamayagpag ang karera ni Tuesday sa ibang larangan ng pagtatanghal. Ibinida ng aktres ang kanyang naging karanasan sa kanyang kauna-unahang cruise ship performance na itinuturing niyang isang malaking milestone. Ayon sa kanya, isa itong karangalan na makapagbigay ng saya sa mga manonood habang naglalakbay sa iba't ibang bansa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate